Trabaho sa Pinas na May Pinakamalaking Sweldo Base sa Industry at Job Level Alamin

Ikaw ba ay may anak na magku-kolehiyo? High school graduate na hindi pa alam kung anong kurso ang kukunin? Nagbabalak na lumipat ng trabaho this 2022?

Kung ang pamantayan mo para sa next career move ay ang sweldo, tama lang na alamin kung aling industriya ang nagbabayad ng pinakamataas sa kanilang mga employer.

Ayon sa Jobstreet Philippines Salary Report 2022, sa telecommunications industry ka maaaring magpunta kung gusto mo ay mataas na sahod sa entry level. Ang industriyang ito ay nagpapasahod by average ng P20,000.

Sinundan ito ng Computer and IT industry na may average pasahod na P19,550 for level at Communication Service industry sa parehong amount.

Quoting JobStreet Philippines country manager Philip Gioca, sinabi ng news site na Reportr na tumaas ang paswledo ng maraming industriya simula noong nangyari ang coronavirus pandemic.

Ang karaniwang hanap ng mga employer ang mga empleyado na mayroong technical skills na kayang mag-function whether office based or work from home.

“Employers are paying more attention to the soft skills and technological know-how of job seekers this year as the hybrid work model–a mix of work-from-home and office reporting–becomes the default work setup,” Reportr wrote in its January 26 article.

Pagdating naman sa specialization at job level, pinakamataas ang Computer & IT Industry. Kayang kumita sa entry level on average ng P20,700 samantalang P45,00 naman para sa junior executive.

Ang mga supervisor ay makakapaguwi ng P80,500 buwan-buwan, P92,500 para sa manager, at halos doble o P175,000 para naman sa senior manager.

Pumapangalawa sa kategoryang ito ang Services na nagpapasahod on average ng P20,000 sa entry level hanggang P172,000 para sa senior manager.

Dalawang pinakamababa ang Building/Construction at Sciences sa kategoryang ito. Parehong P19,200 ang pasahod para sa entry level ng dalawang industriya samantalang P105,000 ang pasahod sa Construction industry para sa senior manager.

Ang senior manager sa Sciences industry ay kikita lang ng P86,000, mababa sa kalahati ng kinikita ng mga nasa Computer and IT Indusry.

Sa isang separate na report, sinabi ni Gioca na soft skills ang pinaka in demand ngayon sa Pilipinas. Ilan sa mga halimbawa ng soft skills ay communication, adaptability, problem-solving, leadership, creativity, at interpersonal skills.

Ang mga ganitong klaseng skills diumano ang hinahanap ng mga manager at job interviewer lalo na’t may tsansa na maging normal ang remote work dala na rin ng mga banta ng pandemya.

“The pandemic pronounced the human side of things…More than ever, during this pandemic, soft skills become a highlight of what is needed,” said Philip Gioca.

“When you do invest in human capital, it will show in your business translation to productivity and output. It has pivoted to that because suddenly everyone realized that ‘hey, we’re humans, we’re not machines’ and we need human capital to propel the business.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.