Top 4 Ipon Challenges Na Doable Para Sa Limited Ang Income

Tunay na nakaka-inspire kapag nakakabasa tayo ng mga success stories tungkol sa pag-iipon. Ngunit hangga’t gusto man nating sundan ang kanilang yapak, nadidiscourage tayo kapag tinitingnan natin ang ating income.

Worry not dahil ito ang ilang ipon challenges na maaari mo pa ding gawin kahit na limitado o minimum ang iyong income.

1. 50-Peso Ipon Challenge

The 50-Peso Saving Challenge: We Tried It Out For You - ModernFilipina.ph

Magkano ang maaaring matipid in a year: At least PhP 2,600 kung gagawin every week o PHP 18,250 kung gagawin daily.

Ugaliing maglagay ng 50-peso bill sa iyong alkansya every week or day. Magugulat ka na lang na ang pagtitipid ay magiging regular habit mo na..

Kung gusto mong i-maximize ang iyong savings, Pwede mong itabi lahat ng iyong 50-peso bills tuwing may chance, tulad ng pag kinukuha ang sukli o sweldo. Matutuwa ka sa amount na maitatabi mo by the end of the year.

2. 365-Day Money Challenge

Piggy Bank Can (Alkansya) | Shopee Philippines

Magkano ang maaaring matipid in a year: Depende magkano ang kayang tipirin daily

Isang simpleng approach para makatipid ay magtabi ng fixed amount daily. Maaaring kasing liit ito ng PhP 20 (makakatipid ka ng PHP 7,300 by December) or PhP 100 (for a total of around PHP 36,500).

Wala ng kailangang tandaang mga numero o gumawa ng complex calculations. Mag set na lang ng alarm sa iyong smartphone para ipaalala na kailangan mong magtabi daily.

3. Loose Change Saving Challenge

Magkano ang maaaring matipid in a year: Depende kung gaano karaming barya ang kaya mong itabi yearly

Sobrang simple lang ng challenge na ito. Lahat ng barya ay ilagay mo sa isang jar, mula sukli at mga nakakalat na barya sa inyong bahay. Napakadali nitong challenge na ito na kahit mga bata ay kayang gawin. Huwag mag expect ng malaking halaga pero ito ay ang iyong unang hakbang sa pagiging matipid.

4. Twice-a-Month Money Challenge

Magkano ang maaaring matipid in a year: PhP 15,000 to PhP 150,000

Ang goal ng challenge na ito ay makapagtabi ka ng 50-500 pesos tuwing sweldo.

Kung nakakatamad sa iyo ang magtabi ng pera weekly o daily, marahil ito ay magwowork para sa iyo.

May masdadali pa nga ba sa pagtatabi ng pera tuwing payday? Tiyak na magiging mas convenient sayo ang pagtitipid sa pamamaraang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.