Success Story Ni Harlene “Hipon Girl” Budol

Ang dating nagpapasaya lamang sa palabas ni Willie Revillame ay proud na pinakita ang kanyang lumalaking bank account dahil sa kanyang YouTube account.

 

Ayon sa isang feature story, hindi maitago ni Harlene ang kyang kasiyahan nang siya nakapag bukas ng kanyang dollar account dahil sa tuloy na success ng kanyang YouTube channel.

 

“Sobra akong Happy kasi 1st time ako mag ka Dollar Account at sa akin na direkta mapunta ang sahod ko sa YOUTUBE simula ngayon,” sabi niya sa kanyang Instagram post. 

 

Iginiit niya na kakasimula pa lang ng kanyang pag asenso sa kanyang channel na kung saan ay dati naman wala siyang nakukuha “ni singkong duling.”

 

“Marami akala mayaman na ako dahil maraming views at daming subs ang hipon girl nyo,” sabi niya. “Pero ang totoo wala ako nakukuha ni singkong duling mula nag simula ang channel ko. nakakalungkot lang icipin kasi kht kani kanino ako nag tiwala at binigay ko mga password para maka access sila tapos kinahoy lang ang sahod ko.”

 

Laking pasasalamat din dahil sa pag pasok ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa kanyang buhay na nag tulak sa kanya mga gawa ng channel.

 

“Kaya answered prayer dumating ang bago kong manager @sirwil75 at inaayos lahat ng kailangan ayusin na walang kapalit. Salamat mima sa pag gabay sa akin at nag cocomfort lagi sa akin ate @daisyinutz. God bless sa atin at lagi ko kayo kasama sa prayers ko.”

 

Si Wilbert Tolentino ay isang entrepreneur at beteranong beauty pageant producer kung saan siya ay nanalo din bilang Mr. Gay World Philippines noong 2009.

 

Unang nakilala si Harlene Budol noong siya ay bansagang “Hipon Girl” ni Willie Revillame sa kanyang palabas na Wowowin kung saan siya ay lumalabas lamang sa segment na Willie of Fortune.

 

Dahil natuwa ang host sa kanya, hinirang siya bilang regular host dahil sa kanyang talento na pag sayaw at pagpatawa sa mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published.