Singles Experts May Tip Para sa Mga Babaeng Gustong Maging Financially Stable

Isa sa pinaka convincing na bentahe ng pagkakaroon ng partner o asawa ay mayroon kang katuwang sa mga gastusin sa buhay.

Pero kung ikaw ay single, maaari din maging challenge ang pagiging mag-isa.

Ayon sa isang research ng Fidelity Investments, mas dumadami ang single women, either by choice or through separation from partners/husbands, sa mundo. Sa kabila nito, iilan lang din ang may kaalaman o kakayahan para i-secure ang kanilang future financially.

Ayon sa 2017 report:

“Furthermore, single women are the least likely demographic (28 percent) to have a comprehensive financial plan in place to help them set savings goals and navigate paying down debt. And, while they worry about unexpected financial hurdles, nearly half (47 percent) have not put an emergency fund in place to cover three-to-six months of essential expenses.”

Para matulungan ang kanyang mga kapwa kababaihan, nagbigay ang Singles Expert na si Bella DePaulo kung paano i-secure ang kanilang mga future sa pamamagitan ng pag aayos ng kanilang priorities.

Narito ang ilan sa mga maaaring magamit ng mga single na Pinay:

  1. Be interested in real estate/properties – Ang industriya na ito ay mananatiling magiging profitable ayon sa mga ekspertong dumalo sa “Post Pandemic path for PH real estate,” na ginanap ng Property Section of the Philippine Daily Inquirer noong 2021. Kung ikaw ay nasa 20s, secured na ang iyong retirement pagdating ng iyong 30s or 40s depende sa iyong kita.

“As I mentioned lease rates are down 20 to 30 percent in selected business districts and now is really a very good time to lock deals while lease rates are very attractive,” sabi ng isa sa mga panelist na si Joey Roi Bondoc, associate director of Colliers Philippines.

  1. Treat yourself from time-to-time but make sure to have an emergency fund – Hindi kailangang malaki ang savings ngunit mahalaga ng mag-set ng monthly target.
  1. Invest on businesses wisely – Ayon sa Fidelity Investments, isa sa limang babaeng single ang may alinlangan sa pagi-invest dahil sa takot na mawalan in the future. Mahalaga pa rin daw ang i-diversify ang kita dahil magsisilbi na din itong retirement plan.
  1. Kumuha ng insurance – The fact that there’s no one to take care of you must lead you to the decision to get an insurance. Dapat ay covered nito even ang small accidents upang sa gayon ay hindi mo magagalaw ang iyong ipon.
  1. Always review your spending habits – Independent women has more freedom when it comes to spending but eventually, you must change your ways. Alamin kung alin ba ang kailangan. Maaari ding tingnan ay iyong mga kagamitan kung kailangan mo pa ng additional na kasuotan o di kaya maari mo nang ibenta ang mga pinaglumaan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.