‘SereniTea’ Tips Para sa Small Businesses Alamin Mula sa Mismong Founder

Ang pagne-negosyo ay hindi parang mainit na kanin na pwedeng iluwa pagkatapos isubo. Marahil ay iyan ang isa sa mga nakakapasong lessons ng founder ng Serenitea founder na si Juliet Herrera-Chen at ng kanyang asawa noong nagsisimula pa lamang sila.

First-time entrepreneurs noon ang mag-asawa na sina Julia at Peter Chen at hindi nila akalain na magiging mabagal ang pag-usad ng kanilang negosyo. There was even a point na nangungutang na sila para lang ma-sustain ang kanilang tea business, ayon kay Juliet sa isang interview with Esquire.

Para ma-achieve ang goals, naglaan ang mag-asawa ng mas maraming oras sa pagre-research at marketing plan para sa kanilang tea business na noon ay tinatawag pa lang nilang Serendipitea at sa Taiwan pa lang nauuso.

From then on, nagkaroon pa rin ng mga pagsubok ngunit madali nila itong na-overcome dahil sa kanilang tried and proven strategies.

Market Research at Anticipation

“Uso lang at mawawala din” ang isa sa mga komentong natanggap ni Juliet noong sinimulan n’ya ang Serendipitea ngunit hindi sila natinag dahil alam n’yang ito ay emerging concept at magiging parte na ng buhay ng mga tao gaya sa Taiwan. Nalaman nila ito sa pamamagitan ng market research sa Taiwan kung saan mayroon nang milk tea noong 1980s pa lang ayon kay Juliet.

Nagiging susi din sa success ng Serenitea ang pag-incorporate ng Pinoy food interests.

““Noong 2008, actually meron na nagbebenta ng Taiwanese bubble tea pero hindi sya gaano na-market kasi they were more in restaurants. Kami ang focus namin tea house talaga. Ang pinaka-common namin lahat ay yung pearls na sago. Feeling ko yung love ng mga Filipinos sa pearls hindi mawawala dahil sa taho.”

Brand Association for Expansion

Para sa Serenitea, hindi sapat na nagbebenta lang sila sa kani-kanilang stalls. Bagkus, nakipagkasundo at nangontrata sa iba’t ibang uri ng industry para mapalawak ang reach ng kanilang brand at maging staple sa mga activities ng tao.

“Mahilig ako makipag co-branding. Pumipili ako ng brand na feeling ko may same values sa amin and same kami ng target market. Minsan, pag may nakita ako sa grocery, wow okay pala ito, hahanapin ko nga yung contact person. Naka tie-up na namin yung Ferrero, Toblerone, Oreo, and Lotus Biscoff,” she said.

“Yung bago mag-pandemic, meron din kaming tie-up with Cebu Pacific where passengers can order milk tea sa flight. Nakapag-develop kami ng 3-in-1 milk tea, naka built-in dun yung black tea, pero powder base sya, tapos doon gagawin ng flight attendant.”

Sa ngayon ay 13 years na ang Serenitea at mayroon nang more than 50 shops sa iba’t ibang panig ng bansa sa loob lamang ng sampung taon.

Ang mga lessons na ito ay kanyang go-to consultants pagdating sa negosyo. Ito din ang ilan sa mga ibinabahagi n’ya bilang isa sa partners ng Go Negosyo as a mentor kung saan tinutulungan nila ang mga maliliit na negosyo at mga nagbabalak mag-negosyo.

Ang Go Negosyo ay beneficial hindi lang sa mga nagsisimula kundi pati na din sa mga government agencies na tumutulong para magbigay ng hanapbuhay sa Pilipino.

Kahit ang Vice President na si Leni Robredo, tumatakbo sa plataporma na pro-small business at pro workers, ay nagsabing nakikinabang s’ya sa Go Negosyo.

“Our office has benefited from Go Negosyo’s Mentor Me programs,” saad Robredo noong ginanap na Kandidatalk ng Go Negosyo. “We have been a partner of Go Negosyo’s programs from the time I became vice president.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.