Reinvention and Knowing Your Market: Flavored Peanut Butter ng Cebu Up to 6 Digits ang Kita

Being unique is one undeniable advantage, especially in business.

Iyan ang isa sa mga maaaring makuha ng mga business enthusiasts sa kwento ni Venesa Velez Gaviola na may-ari ng Angels Creamy Peanut Butter.

Ikinuwento ng Cebu-based entrepreneur sa “Pera Paraan” ng GMA kung paano n’ya napalago ang kanyang business sa pamamagitan lamang ng P2000 na puhunan.

Unang impormasyon na kritikal sa kanyang plano ay ang kawalan ng peanut butter supplier sa Cebu. Nang malaman n’ya ito ay naisip n’ya agad na mag-invest sa market ng peanut butter.

“Maraming nagbebenta ng peanut butter dito sa Cebu sa labas sa Cebu umu-order. Sinabi ko sa asawa ko na bakit hindi na lang kaya tayo gumawa ng peanut butter para di na lang sila mag order sa labas ng Cebu City,” sabi ni Ms. Gaviola sa interview with Susan Enriquez.

Flavored Peanut Butter Business in Cebu Earns 6-Digits Monthly - Business  News Philippines

At hindi lang ito basta peanut butter na very common sa local market. Ito ay mga flavored peanut butter.

Ilan sa mga flavor ng Angel’s Creamy Peanut Butter ay blueberry delights, Buko Pandan, chia seeds, dulce de leche, mango, melon, chunky peanut, strawberry delight, sugar free peanut butter, ube leche, cinnamon, crunchy cacao, at chocolate strips.

Napakaraming choices para sa iba’t ibang taste buds.

Pinakamahirap daw na parte ng kanilang negosyo ay ang gabi-gabing puyatan para lang ma-grind ang mga mani na halos inaabot na daw sila ng madaling araw para lang ma-fulfill lahat ng orders.

Ngayon ay mayroon na silang machine para mapadali ang pag-produce ng napakaraming orders.

Dahil sa kanilang pagpupursige ng kanyang asawa ay kumikita na sila ngayon ng six digits buwan-buwan. Ang kanyang produkto ay hindi lang sa Cebu binebenta kundi pati na rin sa iba’t ibang parte ng bansa.

Ang motibasyon ni Ms. Gaviola sa kanyang pagni-negosyo ay para maging isang ina/magulang na nakakapag-provide sa kanyang mga anak. Kaya naman bilang ganti sa tagumpay na tinatamasa ay ibinabalik n’ya ito sa mga nanay sa Cebu in the form of reselling.

Ang sinumang interesado sa Angel’s Creamy Peanut Butter ay maaaring maging reseller sa halagang P1000 hanggang P2000. Ang bawat garapon ay may suggested retail price na P120.00.

Anong ang main lesson mula sa kwento ni Ms. Gaviola ay Angel’s Creamy Peanut Butter? Kailangang alamin ang pangangailangan ng market na iyong tina-target. Where there is a need, there is an opportunity.

Isa pang lesson ay kailangang maging unique in some levels ang iyong produkto. Paborito pa rin ng mga Pinoy ang peanut butter ngunit para maging mas competitive, be someone that offers something that competitors cannot or do not offer.

Leave a Reply

Your email address will not be published.