Queen White Rejuvenating Soap CEO Ibinahagi ang Journey from Being 7-11 Manager

Isa ka ba sa mahilig mag-“manifest” ng iyong mga ginugusto sa buhay? Ang istorya siguro ng CEO Queen White Rejuvenating beauty products ang may pinaka the best na istorya sa lahat.

“Ako si Sarah. Sarah pero hindi prinsesa. Maraming pangarap noon, puro suntok sa buwan lang at hanggang pangarap lang lahat ng yun!”

Ganyan sinimulan ni Sarah Vidi Mercado ang kanyang istorya, alluding to how hard she started with life.

Ngunit hindi ito naging hadlang.

“Mahilig ako gumawa ng WISHLIST. Since bata pa ako. Binibigyan ko ang sarili ko ng GOAL para yun yung tatargetin ko. Hindi madali, minsan susukuan mo nalang ang pangarap mo dahil sa hirap ng buhay.”

S’ya ay nagtrabaho bilang gasoline station crew, promodiser, at sales clerk para lang maka-survive sa pang araw-araw at hindi lingid sa kaalaman ng marami na maliit ang kita sa mga ganitong klaseng trabaho.

Sa kanyang Facebook ay kinwento ng dating 7-11 convenience store manager kung paanong simpleng kotse, bahay, at kasal lang kanyang pinapangarap noong s’ya ay nagta-trabaho pa sa isang sikat ng convenience store.

Ito ang unang magandang oportunidad na napasakamay n’ya ngunit bago yon ay tila ba malalakas na bagyo ang kanyang pinagdaanan at ng pamilya.

“Na-sheriff” diumano ang kanilang bahay at lupa, na-bankrupt, kinuha ang mga ari-arian ng bangko, at ang sapatusan ng kanyang ama ay tuluyang nagsara.

Noong 2019 ay ang pinakamatindi nilang hinarap sa pagkamatay ng kanilang padre de pamilya.

Ang pagiging manager ay naging susi n’ya sa pag-angat sa buhay dahil s’ya ay nakapag-ipon, sapat para simulant ang beauty products brand na “Queen White.”

“Sa umpisa, mahirap. Super hirap mag establish ng brand lalo na’t wala naman akong kilala at hindi ako mahilig noon sa social media,” sulat nito sa kanyang Facebook account.

“Nanligaw ng mga online seller. Nireject ng maraming beses. Pero araw-araw, nanliligaw pa rin ako kahit ilang beses nila akong dedmahin. Nakakapagod, nakakaiyak..gusto ko nalang itigil to.

Pagkalipas ng isang taon! Nakilala unti-unti si Queen White 👸🏻 dumadami na ang tumatangkilik dito. Syemps, kasi may ibubuga talaga ang produkto.”

By 2022 ay nahigitan ni Mercado ang kung ano mang simpleng pangarap na mayroon s’ya bago s’ya maging manager ng 7-11.

Ayon sa kanya ay nakabili s’ya ng kotse, naikasal sa taong mahal n’ya, nagkabahay at lote, sarilig condominium, at isa pang luxury van.

Ano kaya ang aral sa kanyang istorya ng tagumpay?

Never surrender your dreams.

“Kaya ikaw???

“Pag sinimulan mo! Wag mong tatapusin 💪🏻 Tuloy-tuloy ka lang. kahit narating mo na ang pangarap mo. Derecho lang. wag kang titigil.

“Mahirap mabuhay, pero mas mahirap kung hindi mo susubukang mabuhay para sa pangarap mo. Laban lang!”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.