Pinoy Banana, Pinya Export Malaking Tulong sa Small Businesses, Magsasaka

Isinusulong ngayon ng Department of Agriculture ang polisiya na taasan ang pag-export ng saging at pinya sa ibang bansa, ilang taon matapos matagumpay na mapasok ng Pinoy okra ang Japan at South Korea.

 

Tinawag ni DA secretary William Dar ang saging at pinya bilang bentahe ng Pilipinas pagdating sa agricultural export.

 

“We enjoy a comparative advantage in banana and pineapple, and for this reason, we at the DA invest in the development of the high-value crops subsector through our High-Value Crops Development Program (HVCDP),” wika ni Dar sa report ng Philippine Star noong January 10.

 

Ang HVCDP kamakailan ay nagtagumpay sa pagmarket ng okra sa ibang bansa sa pakikipagtulungan ng Philippine Okra Producers and Exporters Association. Ang gulay na ito ay mabenta na ngayon sa South Korea at sa Japan.

 

Ang banana at pineapple ay ilan lang sa mga top agricultural export ng bansa ayon sa departamento.

 

Ang pagtutok sa high value crops ay magiging malaking tulong din sa mga maliliit na negosyo at magsasaka na nangangailangan ng tuloy-tuloy na pagkakakitaan dagdag pa ni Dar.

 

Ito ay tinuturing na magandang hakbang ng marami lalo na ngayong panahon ng pandemya kung kailan mas dumami ang nawalan ng trabaho. Marami din ang mga taga-probinsya ang nagpupunta sa kamaynilaan para maghanap ng trabaho, bagay na hindi madali ngayon dala ng pandemya.

 

Noong Nobyembre ay tinawag ni Vice President Leni Robredo ang sektor ng agrikultura bilang “job generator” ngunit ito dapat ay mabigyan ng sapat na atensyon.

 

“Ang ating pag-asa talaga agriculture, kasi iyon talaga iyong pinagkukunan ng kabuhayan ng marami. Kung tututukan lang natin, maraming mga Pilipino iyong maaalis sa poverty level,” saad ng bise presidente bilang panauhin sa ginanap na AGRI 2022 Online Forum noong Nobyembre.

 

Nais ni Leni bigyan ng focus ang agrikultura dala na rin ng kanyan experience sa sektor bilang abogado ng mga magsasaka through the project Saligan (Sentro ng Alternatibong Lingap na Legal).

 

“Kailangan bigyan ng mas maraming boses iyong mga magsasaka natin. I think the best policies will be implemented if we give more space or give more seats at the table because they are the ones being directly affected,” paliwanag niya.

 

Malawak ang panawagan para ma-protektahan ang mga lokal na magsasaka noong 2021.

 

Sinabi ni Albay Representative Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, noong nakaraang buwan na bagamat malaking bagay ang global trade, hindi dapat isakripisyo ang kalagayan ng ating magsasaka.

 

Iginiit n’ya ito bilang pag-examine sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement.

 

“So, ultimately, the two concerns that we have to discuss as we ratify RCEP are: do we have the necessary mitigating measures to protect farmers from the downsides of global trade, and are our industries prepared to take in displaced farm work? If the answer to both is yes, then RCEP is an excellent opportunity that we should not miss,” sabi ng kongresista.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.