Pinaka Demanding Na Online Work Ngayon

Ang COVID-19 pandemic ay nagbigay ng maraming kaba sa tao hindi lamang sa kalusugan kundi pati na rin sa kinabukasan ng tao pagkatapos maraming nag sara at naluging negosyo dahil dito.

Maraming buwan pagkatapos magsimula ang pandemic, dahan-dahang nag adjust ang mga kumpanya at nag offer ng work from home options. Subalit, ang mga ibang nawala na ng trabaho ay napilitang mag negosyo o maghanap ng ibang pagkakakitaan. Ang ilan dito ay nakakita ng swerte sa paghahanap ng online work na kung saan patok na patok sa madami.

Mula sa data entry work hanggang sa matataas na posisyon, mayroon kang makikitang ganitong trabaho.

Halina’t kilalanin natin ang ilan sa pinaka demanding na online work ngayon.

 

Online Selling 

Gaya ng nabanggit kanina, madaming nawalan ng trabaho ang nauwi sa pag benta ng mga iba’t-ibang produkto. Mula sa sariling gawa o sa pag-resell ng mga produkto, patok na patok ang pag benta ng mga produkto mula sa online stores or sa live selling.

 

Social Media Manager

Kung nasabihan ka na ng iyong magulang na “itigil mo na ang iyong pag Fa-Facebook,” pwede mo nang sabihin na pinagkikitaan mo ito.

Bukod sa pag gamit ng Facebook at ibang social media platforms, ang isang social media manager ay nag oorganize at gumagawa ng mga ipopost, nakikipag engage at interact sa mga followers, at nag-hahanda ng report para sa statistics at analysis ng data, at marami pang iba.

 

Virtual Assistant

Ang virtual assistant (VA) ay nagsisilbing kanang kamay ng cliente kung saan ang VA ay gagawin ang mga admin task or kung ano ang iuutos ng kanyang boss.

Malawak ang sakop ng trabahong ito at isa dito ang pag gawa ng blogs, pag sulat ng mga web copies, at marami pang iba.

 

Freelance Writer

Para sa mahilig mag research, magbasa, at magsulat, ang freelance writer ay ang perfect na online work para sa kanila.

Nag ra-range ang mga writing jobs sa blogging, copywriting, web content creation, research writing, technical writing, at marami pang iba.

 

Video Editor

Kasabay ng pag-usbong ng mga content creators sa YouTube at iba pang video platforms, ang trabahong video editor ay isa sa mga demanding na trabaho ngayon.

Ang pag eedit ng video ay kinakailangan ng mabilis na computer kung saan makaka process dapat ng 4K videos at makakapag render ng malalaking videos ng mabilisan, bukod sa skills na dapat mayroon ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.