Piggery Owner, Nag-Transition Sa Cochinillo Business At Ngayon Ay Kumikita Na Ng 6-Digits A Month

Ika nga, “modern problems require modern solutions.” Iyan mismo ang ginawa ng piggery owner na si Christian Tolentino noong humina ang bentahan ng baboy dahil sa pagsasara ng mga hotels at restaurants.

 

Hindi ito naging hadlang para kay Christian na humanap ng paraan para mabuhay ang kanyang business. Mabuti na lang, pumatok kamakailan lang ang “cochinillo” o yung roasted suckling pig na hinihiwa gamit ang plato para makita na malutong ang balat at malambot ang laman nito.

 

Nagtransition siya sa panibagong business at ngayon ay owner na ng Boss Cochinillo sa Maynila. Ang halaga ng kanyang cochinillo ay naglalaro sa PhP6,500 hanggang PhP8,000.

 

Dahil sa lakas ng loob na sumugal sa ibang negosyo, ngayon ay nakakapag uwi na si Christian ng six digits buwan-buwan ngayon.

 

Dalawang dekada rin siyang nag-supply ng mga baboy sa mga hotel at restaurant, na tumigil ang operasyon dahil sa safety protocols laban sa COVID-19.

 

Na-feature ang success story ni Christian sa “Pera-Paraan” ng GMA News and Public Affairs noong Disyembre 18, 2021.

 

“Nung kasagsagan ng pandemic, humina kami. Hanggang sa yung mga restaurant nagsara ‘tapos naipit din yung mga puhunan namin.

 

“Siyempre, dire-diretso ang pandemic.”

 

Ang mga anak niya ang nagbigay ng lakas ng loob upang i-explore ang business opportunity na ito.

 

“Doon nga naisipan ng anak ko na, ‘Daddy, bakit hindi tayo magluto ng cochinillo? Yung iluluto mo, ibebenta namin.’”

 

Sa kasalukuyan, mayroon na siyang labing-isang ovens at kayang magluto ng 30 piglets nang sabay-sabay.

 

Noong Bisperas ng Bagong Taon, nag-post si Christian sa kanyang Facebook page ng isang inspiring message tungkol sa kanyang tagumpay.

 

“As a business owner, it is very hard to find ways to earn money now that we are facing global pandemic issues and we do not know when it will end,” post niya.

 

Nagging motivation niya ang masuportahan ang pamilya para humanap ng paraan na hindi malalagay sa alanganin ang kanilang hinaharap.

 

Higit isang taon na ang kanilang negosyo at marami silang natutunan sa pagpapatakbo nito.

 

Sabi pa sa post, “It all started with ideas and planning that later on turned into reality by putting actions and risking.”

 

Isa raw sa secret ingredients to success ay mahalin ang ginagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.