PH Golden Rice Means Golden Opportunity for Businesses, Consumers

Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na nag-approve ng genetically-modified (GMO) golden rice bilang sagot sa common agricultural problems at nutrisyon. Tinatawag ng mga proponents ng gintong bigas ang proyekto bilang “life-saving creation.”

Isa sa mga sumuporta sa development ng golden rice ay ang Department of Agriculture at  Bill and Melinda Gates Foundation.

Para sa mga developers, ang golden rice ay kayang mag-deliver ng 50 percent ng daily Vitamin A needs sa isang cup lamang.

Isa sa mga pagtutol sa golden rice ay dahil baka daw ito ay mas mahal kaysa sa normal na rice, basically defeating the purpose of its creation. Isa pang dahilan kung bakit ito ay tinututulan ay dahil ang research and development kadalasan ay pinapangunahan ng private entities, which means these GMOs ay profit-first products.

Ang pangamba ay misplaced ayon kay Dr. Eufemio T. Rasco ng National Academy of Science and Technology (NAST) na s’yang nangasiwa sa pag-develop ng golden rice.

Ang golden rice ay likha ng mga public institutions namely: Philippine Rice Research Institute in collaboration with the International Rice Research Institute, at University of the Philippines-Los Banos Institute of Plant Breeding.

Siniguro din ni Dr. Rasco sa kanyang column sa Nikkei Asia na may nakalaan nang hakbang para siguraduhing affordable ang golden rice, at sustainable para sa mga maliliit na negosyante at mga magsasaka. Aniya:

“These include identifying high-yielding genetic backgrounds for breeding, establishing linkages with existing programs that work with target communities and continuously building an evidence base to strengthen existing data on the safety and potential impact of Golden Rice and Bt eggplant (another NAST-invented GMO).”

Ang sektor ng agrikultura ang isa sa mga tinututukan ngayon ng gobyerno, sa probinsya man o sa mga para sa food security ng bansa.

Naglaan ang Department of Agriculture ng hindi baba sa P60 billion na budget para sa development ng sektor at i-mitigate ang masamang epekto ng Covid19 pandemic.

Para kay Vice President Leni Robredo, mahalaga na tutukan ang agrikultura dahil ito ay madaling makapagbigay ng trabho kung tutukan.

Pinangakuan n’ya ang mga magsasaka noong Agri 2022 Online Forum na magiging doble ang pondo para sa agrikultura at bibigyan din ng boses ang mga ordinaryong negosyante higit sa mga major players.

Ang Golden Rice sa ngayon ay bago pero gaya ng sabi ni Dr. Rasco, ang trabahong unang kailangang gawin ay itaas ang awareness sa GMOs at mas ilapit sa mga ordinaryong tao. Maisasakatuparan ito kung mayroong proper budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published.