Patok na Mga Negosyo Ngayong Pasko

While the Christmas season is a time for eating, shopping or going on vacation, it is also a time for good business opportunities. Para sa mga business-minded na naghahanap ng small negosyo ideas ngayong Christmas, here are some suggestions na pwedeng pumatok hindi lang ngayong Pasko  kundi pati Valentine’s Day at all-year round! 

Food

Kung talent mo ang pagluluto, o talent ng nanay o kapatid mo, magandang business opportunity ang pagkain lalo na ngayong Pasko na kaliwa’t kanan ang parties at handaan. Pwede ring Christmas gift idea ang pagkain. O kahit hindi Pasko, all year round tayong gutom at kung masarap ang inu-offer mo hindi ka mauubusan ng customer. Some small food business ideas that you can consider include puto bumbong, ube jam, embutido, longganisa, spaghetti, and bibingka. Kung mahilig ka mag-bake you can also bake cookies or cakes. 

Christmas Cards

Sa panahon kung saan ang holiday greetings ay itini-text na lang or ipinu-post sa Facebook,  it is a unique and meaningful business idea to make personalized Christmas Cards that you can sell. Lalo na kung handmade at very artistic ang pagkakagawa, siguradong papatok ito sa mga kaibigan at kamag-anak. Make sure to create designs that are captivating and heart-warming to increase the likelihood of having a favorable business during the Christmas season. You’ll never know, baka magkaroon ka pa ng suki para sa next occasion pagkatapos ng Pasko.

Unique Gift Baskets

Ngayong Pasko, madalas ang Manito-Manita o exchange gifts. Isang magandang gift idea ang gift baskets. If you are one that can make gift baskets and are creative about what to put into each basket, then it is high time you consider going into this business during Christmas to earn some extra bucks. Pwede kang gumawa ng iba-ibang categories for each  basket. Halimbawa,  gift baskets for females only, males only, family-oriented, and so on. This would make it easy for those who do not want to give too much thought into picking a gift for their loved one. Your gift basket could also accommodate unique crafts and items making your business stand out from others.

Home Decors

Pilipinas nga raw ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko. Setyembre pa lang, nagtatayo na tayo ng Christmas tree at naglalagay ng Christmas decorations. Kaya patok na business idea din ang Christmas Home Decors. With creativity and the right choice of materials, you can create pieces that will be admired by your customers. Ilan sa mga pinaka popular na Christmas ornaments na pwede mong gawin at ibenta are door wreaths, Christmas tree decors, and Christmas socks. Para mas kakaiba at walang katulad ang mga home decors na ibi-benta mo, you can use indigenous or recycled materials. You can also create customized decors based on the specifications of your clients.

Clothes
Setting up an online shop is now a lot easier since there are many software programs that will make it easy for you to display different items and have them sold. Kaya naman pwedeng pwede mong gawin ang online clothes selling! Magandang gift ideas ang damit lalo na kung mura na pero maganda ang quality. Also, many Filipinos want something new to wear for the holidays, which makes the business more attractive. Pwede mo ring samahan ng bags o accessories. Lalo na kung may balak kang magbakasyon sa ibang bansa tulad ng Thailand o China, pwede kang mag-shopping doon sa mas murang halaga at ibenta sa Pilipinas. O di ba, nakapagbakasyon ka na, kumita ka pa.

Mula sa Christmas Negosyo ideas na ito nagsisimula ang pagbuo ng small businesses. Big businesses may control the stock market, but it is these start-ups and small businesses, or what economists tout as important influencers for growth, that keep the economy moving. Kaya mahalagang may suporta mula sa gobyerno ang maliliit na negosyo. Kamakailan, sa idineklarang “Hanapbuhay para sa Lahat” program ni VP Leni Robredo, kabilang sa kanyang 5-point plan ay suportahan ang small businesses. Malaking bagay ito para sa mga Pinoy lalo na ngayong panahon ng pandemya na marami ang nawalan ng hanapbuhay at nagsisimulang muli.

Leave a Reply

Your email address will not be published.