Out of School Youth Turned Idols : Success Stories of the Pandemic

Tuwing iniisip natin ang Pandemic kaakibat nito ang mga  salitang lockdown, kawalan ng hanapbuhay, sakit. Pero sinong mag-aakalang dahil sa Pandemic may ilang kabataan ang nagbago ang buhay?  

May nakilala kaming tatlong kabataan na imbes magpatalo sa mga pagsubok na dala ng pandemya, lumaban sila at nagsumikap,  kaya ngayon from OSY or Out of School Youth tinuturing natin silang Idols.  

From Laid Off to Hired Immediately

Nawalan ng pag asa ang bente anyos na  si Chester Estrellado matapos matanggal sa pinapasukang toy store sa Calamba,Laguna. Dahil kasi sa lockdown nagsara ang tindahan at kailangan magbawas ng empleyado. Walang tumanggap sa kanya sa mahigit dalawampung trabahong sinubukan niyang pasukan. Bukod sa bagsak ang ekononomiya, dehado rin ang katulad niyang highschool lang ang tinapos.  Ayon kay Chester, “ Halos lahat hinahanap college level o kaya K to 12. Hindi naman ako nakapag kahit K to 12 man lang, kaya hindi na ako na-asang tatawagan.” Pero hindi tumigil si Chester sa pagsusumikap. Sa pagsi-seach niya online,nahanap niya ang Trabahope isang program ni Vice President Leni Robredo kung saan ang isang libong Out of School Youth mula edad na 18 hanggang 30 tulad ni Chester ay makakapagtapos ng technical vocational trainings at agad iku-konekta sa partner companies.  Matapos makumpleto ang technical vocational course,  nakapag On the Job training siya agad sa ginagawang National South Commuter Railway sa Bulacan at mula “Laid Off” to “Hired Immediately” si Chester dahil agad siyang pinapapirma ng kontratang magtrabaho sa kumpanyang DMCI. Masayang kwento ni Chester: ” Dati hopeless na hopeless ka, pero ngayon nakakapag ipon po ako paunti-unti kahit pa may  Pandemya at ‘yung maliit na lote naming dito, pinapatayuan na po namin ng maliit na bahay.”

From Dishwasher to Skilled Worker

Nagtatrabaho bilang dishwasher sa isang restawran ang dalawampung taong gulang na si Jomarie Ansay pero dahil sa pandemya, nawalan siya ng trabaho. Pero hindi rin tumigil maghanap ng pagkakakitaan kahit pa sa gitna ng Covid 19 si Jomarie. Matapos mahanap ang Trabahope, pinagsikapan ni Jomari makatapos ng technical vocational courses at mula dishwasher, isa na siya ngayong Skilled Worker.  Natanggap na rin siya sa isang real estate company at ngayon ay kumikita ng  mahigit tatlong libo kada linggo.  

From Equipment Operator to Carpenter

Nagtatrabaho noon bilang Equipment Operator sa airport ang bente dos anyos na si Erjohn Marco pero naging malaking dagok nang magsara ang paliparan at magtanggal ng mga empleyado dahil sa pandemya.  Hindi lang siya nawalan ng trabaho, namatay pa ang kanyang ama. Pero hindi nawalan ng pag-asa si Erjohn. Naghanap siya ng pwede niyang gawin habang naka-lockdown at nang matagpuan online ang Trabahope, agad siyang nag-enroll at nakapagtapos ng Carpentry and Scaffolding Vocational Course.  Sa ngayon, nagtatrabaho na siyang muli bilang Carpenter at Scafolding Expert at kumikita ng mahigit kumulang limang libo kada linggo sa gitna ng pandemya.

Malaking bagay na makahanapbuhay ng pagkakakitaan ang mga kabataang ito sa panahon na nagtatanggalan ng empleyado. Malaking pasasalamat nila sa programang “Trabahope” ng Office of the Vice President na  inilunsad noong Oktubre 2020. Sa kabilaa ng maliit na pondo ng OVP, nakahanap sila ng 17Million partnership with  Philippine Business for Education at United States Agency for International Development (USAID) para sa proyekot. Ang sponsorship ay para sa 1000 Out of School Youth  mula Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna. Ang mga  mag-aapply at makakapasa sa screening ay sasabak sa technical vocational courses at kapag nakapagtapos ay mabibigyan ng employment ng partner companies. Ayon kay VP Leni, “ Ang pangarap natin kapag mayroong kabataan na gustong magtrabaho ay mayroong opportunity para sa kanya.”  Papalawigin pa ni VP Leni ang programang ito  sa kanyang planong “Hanapbuhay Para sa Lahat” kapag nanalo bilang Pangulo ngayong Mayo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.