Negosyanteng Na-Bankrupt Nagsimulang Muli, Naging Milyonaryo sa Halagang P500

Life is a game. You play. You lose. You play. You win.

Ganito ang tema ng buhay ni Alvin Vince Sahagun, isang negosyante na dumaan sa matinding dagok ngunit na patuloy na nagpursige at ngayon ay isa na s’yang milyonaryo.

Ang istorya ni Alvin ay na-feature sa “Rated K” ni Korina Sanchez sa ABS-CBN at dito ay ibinahagi niya kung paano s’ya bumagsak sa putikan noong bumagsak ang kanyang printing press business noong 2013.

Aniya, ito ay dahil sa pagpasok ng mga dayuhang negosyo. Ang mga dati n’yang customers ay naglipatan sa mga competitors. S’ya ay nabaon sa utang, na-depress, at naging tampulan ng tukso sa mga kakilala.

Nasira din daw ang kanyang reputasyon at paminsan-minsan ay nagtatago sa kanyang mga kakilala.

Naisip n’ya na walang magagawa sa kanyang sitwasyon ang paglulugmok kaya naman naghanap s’ya ng trabaho at nang s’ya ay naligaw sa simbahan, tila ba may anghel sa na nag-abot sa kanya ng limang-daang piso.

Hindi daw n’ya kilala kung sino ang nag-abot ng pera dahil s’ya noon ay nakatulog dahil sa pagod pagkatapos magdasal. Feeling n’ya ay kinawaan s’ya ng tao at ginamit lamang ng Diyos bilang instrumento para makatulong.

Ang P500 na ito pala ang magbabago ng lahat. Hindi n’ya ginastos ang pera at pinagisipang mabuti paano n’ya ito mapaparami.

Online business ang nakita n’yang sagot.

“Ginamit ko po s’ya sa puhunan sa isang online business na ang pinakamababang amount na pwede kong mabili during that time was 500 pesos,” saad nito kay Korina.

“May produkto yon na nakuha ko like food supplement, may kape. Hanggang sa nakaipon ako ng mga tao na katuwang ko na nagbebenta ng produkto. Nagulat na lang ako dumami na kami. Marami akong naturuan na magbenta gamit yung Facebook.”

Bukod sa sipag at tiyaga ay nagtuon din ng oras si Alvin sa pagaaral kung paano magamit ang internet sa kanyang pagbi-benta.

Lumago ang kanyang tindahan ng iba’t-ibang produkto. Ngayon ay nagtuturo na s’ya ng financial literacy sa mga kabataan at mga taong gusto maging financially stable.

Ang produkto n’ya ay tinatawag na Café Bueno coffee at Café Forma.

Ngayon si Vince ay hindi lang basta milyonaryo kundi inspirasyon na rin ng marami from all ages and walks of life.

Ano ang kanyang mensahe sa mga gustong umunlad?

“Ang kwento ko ay nagsimula sa limaang daan. At naniniwala ako na hindi pera ang nagpapayaman sa tao. Kung ano ang gagawin mo sa pera ang magpapabago sa buhay mo.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.