Nais Mag Invest Sa Stock Market? Ituloy Mo Na Kung…

Matagal ka na bang curious sa stock market at hindi mo lang alam kung kailan pinaka magandang mag-invest? Ayon sa Nomura Global Research Firm, nakadepende sa darating na presidential elections ang magiging takbo ng ekonomiya at investments sa Pilipinas.

 

Ayon sa batikang research firm, ang isang Leni Robredo presidency ay mas magiging market-friendly kumpara sa isang Marcos Jr. presidency.

 

“[Mr.] Marcos Jr., in our view, will likely be regarded as less market-friendly than [Ms. Robredo], particularly when it comes to experience at the national level and in articulating a strategy for the country to recover from the pandemic,” isang excerpt mula sa study na may titulong “Philippines: No holiday cheer” by Nomura’s chief ASEAN economist Euben Paracuelles and analysts Rangga Cipta, Craig Chan, and Wee Choon Teo.

 

“[Ms.] Robredo is likely seen as more qualified to oversee a post-pandemic recovery as the incumbent vice-president, as well as her platform of implementing a strategic roadmap that focuses on key sectors such as healthcare and education,” nakasaad din sa report.

 

Binigyan ng Nomura ang tandem ni Robredo at Senator Francis Pangilinan ng perfect score (5 / 5) para sa national experience at business friendliness. Samantala, nakakuha sila ng 4 / 5 para sa continuity/good governance, infrastructure progress, at fiscal discipline.

 

Dahil sa economic background ni Robredo at kanyang plataporma na magbibigay ng trabaho sa milyun-milyong pinoy, mas mataas ang investor trust at malaki ang chance na pasukin ang bansa ng foreign investments.

 

Ipinangako din ng bise na ipiprioritize niya ang welfare ng marginalized groups, at plano niyang reviewhin at doblehin ang budget para sa Agriculture department.

 

Samantala, ang kanilang mga katunggali na si Bong Bong Marcos at Sara Duterte ay nagtala ng 4 / 5 na iskor para sa infrastructure progress. Samantalang 3 out of 5 ang kanilang iskor para sa fiscal discipline at continuity/good governance, habang 2 / 5 ang national experience at 1 / 5 ang business friendliness score ng tambalan.

 

Para sa institusyon, ang history ng pamilya Marcos ang dahilan ng hindi magandang economic outlook sa kanyang pamumuno.

 

“A Marcos victory will likely be viewed negatively owing to perceptions against him, in part because his candidacy is facing some petitions for disqualification on grounds of making false statements and a previous conviction of failing to file income tax returns,” Nomura said.

 

Kaya sa mga aspiring investors na nais maranasan ang isang bullish rise ng stock prices, isang Robredo presidency ang magiging susi upang mangyari ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.