Mga Sweldo sa Jobstreet Mas Lumaki, Aling Industriya ang Dapat Aplayan?

Mas maraming trabaho sa mahigit dalawampu’t dalawang industriya ang nag-offer nang masa malaking sweldo kumpara sa mga nakaraang taon.

 

Inanunsyon ng online employment site na Jobstreet na halos kalahati ng mga trabaho na nakita sa kanilang platform ang may mas mataas na offer as of September 2021.

 

Ang datos na ito ay parte ng Salary Report ng kumpanya para sa nakaraang taon.

 

Ang anunsyo ay nagmula kay JobStreet Philippines Country Manager Philip A. Gioca sa ginanap ng virtual conference na nasakskihan ng Business World.

 

Ayon sa opisyal 49.7 percent ng trabaho na napaskil sa online platform mula first hanggang third quarter ng 2021 ay nag-offer sa mga aplikante ng mas mataas na sahod.

 

“The report aimed to provide candidates with information and insights to manage their salary expectations and to help improve their career planning, while also assisting employers in making strategic hiring offers and decisions,” Mr. Gioca said.

 

Bagamat generally good news ang datos, mayroon pa ding nagpaskil ng sahod na mas mababa kay sa sa mga previous offer.

 

Nasa 35.9 percent of job posts ang naghain ng lower pay samantalang nasa  14.4 percent ang hindi nagbago ng offered salary.

 

Ang average salary growth sa lahat ng industriya ay 22.9 percent, isang senyales ayon kay Gioca ng pag-recover ng Pilipinas.

 

Ang mga industriya na nagrecord ng increased salary offer ay nasa education (67 percent), public service (64 percent), social services (52 percent), at electrical/electronics (50 percent).

 

Bakit nga ba tumaas ang mga salary offer?

 

“The pandemic has had a huge impact in the labor market in the past couple of years. This also made the competition for quality talents steep among hirers, causing employers to make adjustments to their offerings, policies, and work environment,” sabi ni Gioca.

 

Ang development na ito ay good news para sa mga kababayan natin na ayaw na mag-abroad at iwan ang pamilya.

 

Noong 2020 ay mas umonti ang mga nais mag-abroad at maaaring mas dumami pa ang magnais manatali sa Pilipinas kung may available na trabaho sa Pilipinas.

 

Nitong recent debate ng 2022 PH Elections presidentiables with Jessica Soho ay halos lahat ng top candidates ay nag-agree na ang pagiging OFW ay dapat out of choice lang hindi necessity.

 

Si Vice President Leni Robredo, nitong Disyembre lang ay nakapag-abot ng tulong kasama na ang mga trabaho sa 622,000 na pamilya sa bansa through her Angat Buhay program, ay sinabi noong 2019 na kailangan munang pagandahin ang working conditions sa Pilipinas.

 

Kung kaya naman pala lakihan ang sweldo dito ng mga employer, bakit hindi na lang gawin at isabatas ito?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.