Mga Sustainable na Lokal na Produkto Mabentang Regalo Ngayong Pasko

Isiniwalat ng research group Kantar na marami sa Pilipino ngayon ang mas pinipili ang gawang Pinoy na handicraft bilang pang regalo sa Kapaskuhan.

Ayon sa 2021 survey Who Cares, Who Does ng Kantar, nasa 90 porsyento ng respondents ang nagsabi na malaki ang tsansa na bumili sila ng locally made products?

Kung bakit? Ito ay dahil sa kalidad at sustainability concerns at bilang suporta na rin sa mga small to medium enterprises sa bansa na malawakang naapektuhan ng Covid19 pandemic.

Ayon sa mga nakausap na businessmen ng Inquirer, ang local crafts business ay hindi lang para kumita kundi para na rin itaguyod ang livelihood ng maraming mamayan at mga artists sa bansa. Ito din ay para ma-preserba ang mayaman ng ating kultura.

Si Danielle Tan Christine Tiu na nagmamay ari ng Amami PH na kilala sa kanilang mga alahas nagpu-promote ng Fiipino heritage ay ipinagmamalaki ang kanilang craftsmen na eksperto sa pag-design ng mga alahas na sinuot ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga Espanyol.

“Our customers are our lifelines. They allow us to preserve a vanishing jewelry tradition, create and provide a continuous livelihood for our local craftsmen and their families. Local, handmade crafts are often a labor of love and so choosing to support these industries is a way to invest directly into our local economy, strengthen communities, and enable them to prosper,” wika nila sa news company isang interview.

Mukhang ang trend nga sa mga susunod na taon pagdating sa pananamit at home living ay papunta sa mga produkto ng mga katutubo.

Sa katunayan, ang Poncho dress na likhang mga katutubo mula sa Lubuagan tribe ng Kalinga ay in demand ngayon sa ibang bansa. Mas sumikat ang damit na ito ng suotin ni Vice President Leni Robredo na kilala din sa pagsuporta sa malilit na Negosyo sa bansa.

Ayon sa nagbebenta nito na Lakbay Kalinga, mayroon nang orders mula sa Australia, USA, at Canada.

Sa Davao naman, inilunsad ng New Zealand Embassy to the Philippines at ng local government unit ng Davao, sa pangunguna ng Go Negosyo ang isang proyekto na naglalayong ipakalat ang kultura ng ating mga katutubo.

“We believe that investing in women’s hopes and dreams has a multiplier effect and direct impact to the younger generation,” saad ni Peter Kell, New Zealand Ambassador to the Philippines noong paglulunsad ng proyekto sa Davao.

“We are delighted to support these women who aspire to develop their skills, talents, and livelihood through innovative ways in line with their cultures and behaviors.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.