Mga Maliliit na Business na Nagtagumpay at Kinilala ng Go Negosyo

Ang Republic Act No. 10644, o Go Negosyo Act, ay naipasa noong 2014 at mula noon ay naging kaakibat na ito ng mga maliliit na negosyo at mga nagbabalak mag-negosyo.

Hindi lang mga ordinaryong Pilipino ang mga nakinabang sa mga proyekto ng Go Negosyo kundi pati na rin ang mga government agencies na nagnanais tulungan mga small and medium enterprises.

Sa katunayan, si Vice President at presidential aspirant Leni Robredo ay inamin na kahit ang kanyang opisina ay umaasa sa Go Negosyo simula nang siya ay naupo noong 2016.

“Our office has benefited from Go Negosyo’s Mentor Me programs,” saad Robredo noong ginanap na Kandidatalk ng Go Negosyo. “We have been a partner of Go Negosyo’s programs from the time I became vice president.”

Ipinagyabang n’ya ang farmer entrepreneurs ng Camarines Sur at ang Angat Buhay Summit noong 2016.

Hindi mahalaga kung saan ka magsisimula ang importante ay desidido ka dahil nariyan ang Go Negosyo para umagapay. Gaya na lang ng nangyari sa mga sumusunod na ventures.

  1. Bahag Footwear – Ang Negosyo na ito ay sinimulan ng dating government employee na si Ester Sheila Vitto ng Occidental Mindoro. NAging tama ang kanyang desisyon na mag-resign mula sa trabaho at simulant ang Bahag Footwear na nagbebenta ng mga footwear na gawa sa spare tire. Mula sa capital na PHP6,000 ay mayroon na s’yang annual income na PHP1,000,000. Malaking tulong kay Vitto ang loan na nakuha n’ya mula sa CARD Bank, Inc. at syempre, ang kanyang creative mind at persistence.
  2. Daytao’s Native Cakes – Si Evellin Daytao ay pinarangalan din ng Go Negosyo para sa kanyang negosyo na native cakes. Kinilala ng Malacanang si Daytao bilang “Inspiring Filipina Entrepreneur” dahil sa kanyang negosyo na patok kahit sa mga foreigners. Ang kanyang cake ngayon ay binebenta sa maraming stalls at malls sa Tarlac at karatig bayan.
  3. Coffee for Peace – Ang kapeng ito ay hindi barako. Hindi galit dahil ang layon nito ay kapayapaan. Founded by Felicitas Pantoja ng Davao noong 2008, nagsimula ang business na ito bilang attempt to mediate sa mga conflict sa Mindanao. Ayon sa kanilang website:

The idea began in 2006 when the founders helped to facilitate an informal conflict mediation, with their whole Mindanao-based peacebuilding network, between certain Migrant and Bangsamoro farming communities. The two groups were involved in an armed conflict for the ownership of several rice fields ready for harvest, regardless of who planted the rice or who really owned the land. Instead of shooting each other, the leaders of the two parties-in-conflict were invited for a dialogue over coffee. Since then, the two communities avoided killing each other. They started inviting other surrounding communities to have coffee together — for peace.

      4. Mabute Lumpia Wrapper & Cheese Stick Maker – Nagsimula si Arlene Mabute sa puhunan na PHP300 kaya sino ang mag-aakala na ngayon ay isa si Arlene at ang Mabute Lumpia Wrapper & Cheese Stick Maker sa mga small-medium enterprises na kinilala ng Go Negosyo at Malacanang. Ayon sa profile na ginawa ng Go Negosyo para sa kanya, unang business ni Arlene ay ang pagbebenta ng cheeseticks. Ngunit, naisip n’ya mare-reduce ang kanyang expenses kung s’ya mismo ang gagawa ng wrapper. Naisip n’ya na mag-loan mula sa CARD-MRI at from then on, nagbloom ang kanyang business. Hindi lang sariling pamilya ang nabigyan n’ya ng mas maayos na buhay kundi pati na rin ang mga empleyado at ilang maliliit na negosyante sa kanyang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.