Mega Financial Tips Mula Kay Sharon Cuneta Pagdating sa ‘Good vs Bad Debt’ at Wise Investments

Sometimes, experience is the best teacher. Be it your own experience or of other people.

 Pagdating sa finances, mahalagang magbasa-basa o alamin ang karanasan ng mga tao sa paligid, kaibigan mo o isang sikat na tao bago isugal ang iyong pinagpagurang pera.

 Megastar Sharon Cuneta can be one of those people. Mahaba-haba na rin ang karera ni Sharon sa showbiz, and she definitely has seen it all.

 S’ya mismo ang nagsabi na s’ya ngayon ay isa nang bilyonaryo matapos akusahan ng pagbubulsa ng donations sa kanyang charity concert.

 Totoo mang bilyonaryo, hindi maikakaila na s’ya ang isa sa pinaka-successful na personalidad sa Pilipinas. Ito ay dahil sa kanyang mga pinaniniwalaan pagdating sa kanyang finances.

 Narito ang ilan sa mga ito:

 Walang masamang utang as long as . . . .

 Sa kanyang Youtube channel ay inamin ni Megastar na kahit s’ya ay nangungutang ngunit nilinaw n’ya na walang masamang utang kung malinaw din sa sarili mo ang iyong buying capabilities.

 Ginamit n’yang halimbawa ang pag-utang sa bangko para makabili ng bahay na magiging sa iyo matapos itong bayaran nang maraming taon.

 Kamakailan lang nitong 2022 PH Elections Presidential Debate ay naging mainit ang talakayan matapos sabihin ng isang kandidato na walang mabuting utang na s’ya namang pinabulaanan ng mga beteranong kandidato na nasa stage.

 Business is a good investment but know it is not easy

 Noong 2011 ay sinabi ni Megastar na “we all have a potential to be wealthy” and “it starts with savings. It starts with ways to make money.”

 These are two things she’s been doing ever since she learned how to become independent.

 Sa kanyang vlog ay sinabi n’ya na ang pagni-negosyo ay susi sa pag-unlad ngunit kailangang maging matalino. It is okay to start small ngunit dapat ay hindi basta basta ang pagi-invest kapag nakakita ng oportunidad na may mataas na potensyal.

 Aniya, humingi ng tulong sa eksperto sa industriya na plano mong maging bagong investment.

 Vice President Leni Robredo, she herself an economist, have been advising about this kind of issue about small businesses in the country.

 “So the very first thing that we should manage is that we should know how to be strictly frugal at the start. We should spend only on things that would yield returns. If there’s no return, it’s not the time,” saad nito sa isang forum organized by Go Negosyo noong November 23.

 Tingin ni Megastar ay real estate ang isang magandang investment. Ito man ay pagbili ng sariling titirhan o di kaya ay pagpapalago ng kita.

 “Kapag may sarili ka na, nag-trabaho ka pa, pati mga asawa at anak mo nag-ta-trabaho, pwede naman kayong mag-sosyo at bumili ng isa pang property na pwede ninyong ipa-upa hanggang lumaki ‘yun ng lumaki,” Sharon explained. “Pagdating ng araw, tataas ‘yung value nun. Ibebenta ninyo, kumita pa kayo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.