May Pera Sa Kangkong: 17-Year-Old Entrepreneur Kumikita ng PHP150,000 A Month Sa Pagbebenta Ng Kangkong Chips

Kapag gusto, may paraan! Yan ang pinatunayan ng 17-year-old entrepreneur na si Josh Mojica na mayroon lamang Php3,500 noong sinimulan niya ang kanyang kangkong chips business.

Nagsimula sa kagustuhang matulungan ang mga magulang matapos mamatay ang kanyang lolo, ngayon ay kumikita na ng php5,000 si Josh, na kung susumahin ay aabot ng Php150,000 sa isang buwan.

Kahit senior high school student pa lamang si Josh ay may magandang hinaharap na nag-aantay sa kanya. Sa Facebook page ng kanyang business, inilahad ni Josh kung paano niya sinimulan ang kanyang negosyo.

Eat Of The Week: Crunchy Kangkong Chips to Replace Your Flavored Fries  Cravings

Ang business idea ni Josh ay naisakatuparan noong May 2021. Sa kabutihang palad, naging supportive ang kanyang magulang nang banggitin niya ang kanyang business idea.

Kaya hindi na nagdalawang isip pa si Josh na isugal ang Php3,500 savings bilang puhunan sa kanyang negosyo.

At hindi inaasahang lumago ang kanyang negosyo ng anim na buwan lamang. Sa panahon ng pagkakasulat, ang kanyang puhunan ay lumago na ng 18 times.

Utang ni Josh sa kanyang tita ang tagumpay dahil ito ang nagturo sa kanya kung paano magluto ng kangkong chips, na una niyang inilagay sa rice box.

Sinimulang ilako niya ito sa mga mga kakilala, at nagkaroon siya ng repeat orders.

Nagsimula si Josh bilang one-man team, kaya kailangan niyang gumising nang maaga para iluto ang kanyang produkto.

Unti-unti ay lumago na ang kanyang negosyo kaya ngayon ay katuwang niya na ang kanyang pinsan at mga kaibigan.

“Ngayon po halos lahat po ng tropa ko, bale mga 10 na po sila,” ani Josh.

Lahat ng kanyang mga katropa ay mga estudyante rin.

At kahit pa okay ang kanyang kita sa negosyo ay patuloy pa rin si Josh sa kanyang pag-aaral.

Samantala, ang mga magulang niya ang nakatoka sa financial aspect dahil menor de edad pa ang business owner.

Isang napakagandang halimbawa ni Josh na hindi sapat na dahilan ang kawalan ng puhunan upang hindi sumugal sa iyong pangarap. Kaya kung ikaw ay isang young entrepreneur na nagnanais sundan ang yapak ni Josh, may magandang payo si Vice President Leni Robredo pagdating sa maayos na pag mamanage ng puhunan.

Nang tanungin siya ng isang entrepreneur kung saan magandang dalhin ang Php25,000 na puhunan, sinabi ni Robredo na gamitin ang pera sa paraan na kikita ito. Huwag mag-invest agad sa opisina, at mga gamit na mamahalin tulad ng mga high-end na laptop, upuan at lamesa.

Mabutihing magfocus sa pagpapababa ng cost ng produkto at iutilize ang online tools na makakapagpadali sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa iyong produkto.

“For me, it’s always the financial [aspect]. Isn’t the advice always to not spend more than what you need? Sometimes, we [her office] also have sustainable livelihood and training programs. The failure of a business happens if we don’t know how to manage,” sagot ni Robredo sa GoNegosyo Forum.

Leave a Reply

Your email address will not be published.