May Future sa Arts: Discriminated Europe-Based Chef Isa Nang Sikat na Artisan Ngayon

Parte na ng kultura mga Pinoy na kapag sa arts ka, malaki ang tsansa na hindi ka kumita.

 Maraming magulang ang nagsasabi na “walang pera” sa arts kaya naman pinipwersa na lang ang kanilang mga anak na mag-enroll sa med school, IT, o di kaya ay sa Engineering.

 Si Rasco Jugarap ang isa sa maraming artisan na buhay na patunay na hindi makikita ang growth sa creative industry.

 Art collectors around the world now have Jugarap as their go-to guy for unique and eye-catching figures.

 Si Jugarap ay lumilikha ng mga figures gamit lang ang mga wires at metals. He weaves these materials to come up with a figure perfect for art galleries. They are so unique collectors can’t help but get their hands on his rare artworks.

 In fact, ang kanyang mga likha ay makikita sa mga art gallery sa Brussels, Antwerp, Hamburg, Berlin, Amsterdam, Paris, New York, at London.

 Ngunit bago n’ya makita ang kanyang tunay na calling, may ibang propesyon si Jugarap na tubong General Santos City.

 Nagtapos ng culinary arts si Jugarap noong 2009 at di naglaon ay kinuha s’ya ng isang scout mula Germany para maging chef. Pagkalipas ng limang taon ay lumipat naman s’ya sa isang restaurant sa Belgium.

 Dito ay nagkaroon s’ya ng isang karanasan na nakapag-ambag para tuluyan n’yang lisanin ang food industry at lumipat sa isang totally different field.

 Aniya, naging subject s’ya at mga kapwa Filipino ng tila ba “segregation” dahil sila ay inihiwaly sa mga Belgian at sila ang nakatanggap ng mga mas mahirap na Gawain.

 “In the Philippines, we were taught that in the kitchen, teamwork is essential. That has really been my training. Even when I worked in Germany as a chef, teamwork was a culture in the kitchen. But during my work in this Belgian restaurant, they changed the management, and I experienced racism,” Rasco said according to a profile done for him by Esquire Philippines.

 “The other nationalities were kind of given a hard time.”

 Noong panahon na ito ay kilala na s’ya at kanyang mga likha sa arts circle.

 “They are celebrating me in the art world, but in the kitchen, I was treated like… you know.”

 Nagsimula ang kanyang journey sa pagiging artists noong s’ya ay naligawa sa isang hardware store. Nakakita s’ya ng mga alambre na s’yang nagpaalala sa kanyang mga araw na gumagawa s’ya ng mga laruan gamit ang nasabing material.

 Ipinaskil n’ya ito sa Instagram at hindi n’ya akalaing mayroong bibili ng kanyang likha.

 “It was really just for fun! I wasn’t planning on selling it, but I was really happy that someone wants to buy what I really love to do. That buyer from New York is my very first art collect.”

 Ang kanyang unang buyer ang nagbukas sa kanya ng mas marami pang pintuan para makilala ang kanyang likha. Pinakilala s’ya nito sa mga gallery sa iba’t ibang bansa.

 Sumunod naman na kliyente ay isang Belgian woman na nag-hire pa ng PR team para mas maipakalat ang kanyang pangalan at mapunta sa mga magazine.

 Mula noon ay nagkaroon na s’ya mga regular client to the point na hindi na n’ya kayang gawin mag-isa.

 Gayunpaman, pinapanatili n’yang in demand ang kanyang artworks by refusing to produce high numbers of them. Nang sa gayon ay manatili mga mataas na presyo nito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.