Masayang Pasko Para sa Odette Victims sa Tulong ng Jollibee, McDo

Naglaan ng tulong ang maraming kilalang brands at business sa groups sa bansa para maibsan kahit papaano ang dalamhati ng mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Paparating na ang Pasko ngunit para sa ating maraming mga kababayan ay hindi pa din nila ramdam ang season of giving dahil sa pamiminsalang dala ng bagyo.

Layon ng fast food giants Jollibee at McDonald’s Philippines, Chooks-to-Go, kasama ng business group na Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na maibsan ang lungkot na dinaranas ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagaabot ng hot meals at relief fund.

Ayon sa Jollibee Group, kasalukuyan silang nagmo-mobilize para makapag-abot ng langhap sarap na pagkain sa 33,000 katao sa Negros Occidental, Southern Leyte, at Surigao del Norte through its its very own Jollibee Group Foundation FoodAID Program.

Ang McDonald Philippines naman ay nakipagugnayan sa Philippine Disaster Resilience Foundation, Naval Reserve Command Multi-Sectoral Linkaging Committee, AirAsia, Philippine Airlines, at Coca-Cola para makarating sa mga lugar na hanggang ngayon ay wala pa ring access sa kuryente, tubig, komunikasyon, at ilan pang mga basic necessities.

Ayon sa kumpanya, layon nilang mag-abot ng at least 24,000 katao through its Ronald McDonald House Charities.

Ang FFCCCII naman ay nakalikom na ng P12 million para Typhoon Odette victims sa pangunguna ng labing-isang Filipino Chinese business, civic and cultural organizations of the Filipino Chinese Community Calamity Fund (FCCF).

Ayon sa president nito na si Henry Lim Bon Liong ang FCCCF ay nakapag-abot na ng 10,000 relief packs each sa Bohol, Cebu, at Negros Occidental. Nakapagabot din sila ng 5,000 relief packs sa Southern Leyte at Western Samar; 2,500 relief packs each sa Negros Oriental, Surigao province at 300 relief packs naman sa Surigao City, at 200 relief packs for Cagayan de Oro City.

Bumubuhos ang tulong ngayon para sa ating mga kababayan ngayong magpapasko. Unang nanalasa ang bagyong Odette noong December 12 at tinatayang nasa mahigit isang bilyong piso ang total damages na dinulot nito sa infrastructure at kabuhayan ng mga apektado.

Hindi naman nagatubili ang mga kapwa Pilipino na tumulong, private citizen man o public servant.

First on the ground was Vice President Leni Robredo na nasa Visayas agad wala pang isang araw simula noong tumama ang bagyo. Binisita n’ya ang mga naapektuhan at nagdala ng tulong medikal, relief packs, at iba pang uri ng tulong through her office at donasyon ng mga private citizens.

Maging si Angel Locsin na kilala na sa pagiging maagap sa pagtulong sa mga may pinagdadaanan ay isa rin sa mga unang rumespondo sa pamamagitan ng pagdo-donate ng ₱2 million pesos ayon kay Kris Aquino na nagpunta din sa Negros Occidental.

Ang mga eskwelahan gaya ng University of the Philippines at Ateneo de Manila ay nagpadala rin ng tulong.

Mahaba-haba pa ang lalakbayin para tuluyang makabangon ang mga biktima ng bagyong Odette ngunit sa sama-samang pagkilos, hindi ito imposible.

Leave a Reply

Your email address will not be published.