Landbank Iginiit na Secure ang Pera ng mga Kliyente; Paano Maiwasang Mabiktima ng Phishing?

Ilang mga guro ang kamakailan ay dumulog sa media matapos mabiktima ng mga kawatan gamit ang kanilang Landbank accounts.

Isinawalat ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na ilang miyembre nito ang natangayan ng pera di baba sa P26,000. Mayroon ding mga guro na nakuhanan ng mahigit P120,000.

Ang common denominator sa mga biktima ay sila ay mga teachers sa public school at kliyente ng Landbank of the Philippines.

Dahil dito ay marami ang nagduda kung safe pa nga ba ang kanilang pera sa state bank na ito.

Madali namang pinawi ng Landbank ang pangamba ng mga kliyente. Iginiit nito na ang mga insidente ay isolated at wala dapat ipangamba ang mga tao dahil safe and secure ang pera nila.

“The bank has already reached out to the affected customers and is working on the resolution of these isolated cases at the soonest possible time,” Landbank said in a statement.

“Official Landbank representatives will never ask for the critical financial information of customers.”

Tinarget ng mga kawatan ang mga gurong biktima through a strategy called phishing.

Saad ng isa sa mga biktima, nakatanggap s’ya ng labintatlong OTP o one-time password para magamit ang kanyang account.

“Unfortunately, when he checked the balance a day after, an amount of P121,000 was stolen and transferred to a GCash account,” saad ng TDC.

Ang phishing ay ginagawa ng mga kawatan sa pamamagitan ng pagsi-send ng mensahe (either texts or email) para makuha ang password at bank account number ng mga biktima.

Mas naging malala ang mga ganitong klaseng modules nitong nagkapandemya dahil mas maraming tao ang gugamit ng online transactions sa halip na pisikal.

How to spot phishing?

  1. I-verify ang credibility ng website o kausap sa pamamagitan ng paghahanap ng legit na URL o di kaya ay pagtatanong ng credentials ng tao.
  2. Wag agad maniwala kung ang inu-offer ay “too good to be true.” Walang libre ngayon at kailangan ay maging diskumpyado kung mayroon sa’yong nangangako ng isang bagay ng libre o di kaya ay sa mababang halaga. Kaya wag magpadala sa mga pop-ups na makikita mo sa internet. Huwag din i-click ang link na hindi mo kilala.
  3. Wag ibigay ang mga personal na impormasyon sa hindi kilala o hindi verified na account o website. Pagdating sa iyong mga bank account, ang bank number, password, at OTP ay s aiyo lang – walang ibang nakakaalam. Kapag ito ay tinanong mula sa’yo siguradong ito ay red flag na.
  4. Kapag ang message sa’yo ay nananakot, wag mag-panic o overreact. Magtanong sa mga kakilala na mas nakakaaalam bago i-surrender ang iyong mga impormasyon.
  5. Always talk or consult with your bank when it comes to transaction, lalo na sa mga sketchy ones.
  6. Kapag naman nagkamali kang maibigay ang iyong impormasyon, tawagan ang iyong bangko at alamin kung ano dapat ang sunod na step.

Leave a Reply

Your email address will not be published.