Kilalanin Ang Young Entrepreneur Mula Pangasinan Na Nagpapaganda Ng Mga Ukay Ukay Clothes

Nakagawian na ng mga Pinoy ang bumili sa mga pre-loved/ukay-ukay clothes dahil sino nga ba naman ang aayaw na makabili ng maayos na damit sa pinaka murang halaga. Ngunit alam mo ba na merong mga pre-loved clothes na mukhang branded, pero presyong ukay pa din?

Iyan ang business venture na nagsimula lang bilang hobby para kay Jannah Mae De Vera mula Pangasinan. Ang 18-year-old entrepreneur ay may matinding pagkahilig sa fashion, kaya naman naging adhikain niya ang sustainable fashion na abot kamay ng masa.

“I started my own designs reworking on pre-loved clothing and my cousins noticed that my designs are good and encouraged me to sell my works. My first works were only hand-sewn so I saved up so I could buy my own sewing machine,” sinabi ni De Vera sa isang interview.

“When I was still a minor, I used to assist my cousin who worked at an ukay-ukay shop. Since I am inclined to fashion, my cousin asked me to assist customers in finding their choice of clothing, but DOLE intervened and instead gave my parents capital to start a small business,” kanyang idinagdag.

Ginamit niya ang perang nakuha sa DOLE sa pagbebenta ng mga cellphone cases, na ang kinita ay kanya namang ginamit para bumili ng second hand na sewing machine.

Natutunan lang ni De Vera ang mga skills na ito gamit ang mga platform na YouTube at TikTok, na nagsisilbing patunay na napakaraming maaaring matutunan gamit ang internet kapag ginamit ng tama.

“Natuto po akong manahi sa YouTube saka nakita ko sa advertisement on Tiktok.” (“I learned to sew through YouTube and I saw an advertisement on Tiktok about sustainable fashion. I attended the Zoom meeting about sustainable fashion and easy dressmaking. I also learned easy stitches and reworking”), sabi ni Jannah.

Salamat sa kanyang business, nagagawa ni Jannah na masuportahan ang kanyang ina na may karamdaman

“My mother is undergoing dialysis and last month, she was hospitalized and I was the one who looked after her in the hospital. The earnings from my business augment my mother’s dialysis sessions,” kwento ng young entrepreneur.

Binebenta ni Jannah ang kanyang mga reworked clothes sa halagang 100 to 490, depende sa mga materyales na kanyang ginamit. Todo suporta naman ang kanyang ama na sinasamahan siyang mag deliver ng mga damit sa kanilang mga customers.

Sa mga nais tingnan ang mga reworked ukay-ukay clothes ni Jannah, bisitahin ang kanyang Instagram page, Tropical Vintage PH.

Leave a Reply

Your email address will not be published.