Kilalanin Ang Owner Ng Sundals Na Nahanap Ang Success Sa Tulong Ng Lazada

Para sa mga maliliit na negosyo, ang pagkakaroon ng Lazada account ay vital pagdating sa nagdedeliver ng kanilang items saan mang sulok ng Pilipinas. Napakarami ng natulungan ng platform na ito at patuloy na dumadami ang successful entrepreneurs dahil dito.

Sa murang edad ay narealize na agad ni Evan na may passion siya sa pagbebenta. Nagsimula sa Multiply marketplace na ngayon ay wala na, hindi ito naging hadlang para kay Evan na humanap ng ibang online platforms para magbenta ng kanyang mga produktong galing overseas.

“I love selling because it pays off instantly. You get that feeling of satisfaction every time you close a deal,” sabi ni Evan

Bilang isang single mom, dagdag ito sa kanyang motivation na magsumikap. Bukod sa kanyang pagbebenta online, isinasabay pa niya dati ang isang office job para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Sa katunayan ay kontento na siya sa takbo ng kanyang work-life balance noon. Ngunit nagbago ang lahat ng pumanaw ang kanyang ina noong 2018. Ang kanyang ina ay isa ring entrepreneur na nagbebenta ng handicrafts gawa sa native abaca fiber.

Sa kagustuhang ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ina, nag focus si Evan sa pagbebenta ng abaca footwear at doon nagsimula ang Sundals.

Ayon kay Evan, natutunan niya ang native crop na ito noong siya ay nasa kolehiyo. Na-discover niya na ito ay isang common crop na underutilized at kadalasan ay itinatapon lang. Dala ang kanyang ideya, sinource niya ang kanyang abaca mula sa micro-communities ng Bicol, Cebu, at Laguna. Ang kanyang raw materials ay 70% locally sourced, na ang bawat pares ay hand crafted ng local makers. 

SUNDALS. Photos of owner Evan Marie Arellano and Sundals items. Photo courtesy of Lazada.

Sinimulang i-launch ni Evan ang Sundals sa mga bazaars. Ngunit kalaunan ay na-realize niya na ang renta ng booth spaces ay kinakain ang malaking bahagi ng kanyang kita. Ready to move on sa pagkakaroon ng physical store, bumalik siya sa kinasanayang pagbebenta online na sinimulan niyang i-advertise sa Facebook at Instagram. Kalaunan ay gumawa na rin siya ng sarili niyang website ngunit hindi niya inexpect ang challenges na dala nito.

Mabuti na lamang, nadiskubre ni Evan ang shopping app na Lazada noong 2019 sa tulong ng kanyang kapatid. Inaral niya kung paano magbenta dito, at narealize niya kung gaano ka convenient ito at sinasagot nito ang malalaking problemang kinakaharap ng kanyang negosyo. 

Ngayon, hindi niya na kailangan problemahin ang promotion at marketing, rent charges, at logistics at delivery. Simula ng sumali siya ng Lazada, nag-increase ang sales ni Evan ng 300%. Dahil dito, nagkaroon ng masmagandang experience ang customers dahil sa mas mababang shipping fee at ngayon ay pwede na niyang i-accomodate ang cash-on-delivery requests.

Sa mga nais mag simula ng sarili nilang online store, ibinahagi ni Evan na madami siyang natutunan sa Lazada University portal at sa mga seller community sa social media. 

Ibinahagi ni Evan, “It’s amazing how we get orders on Lazada with just uploading our products online; the customers just come.” 

Full-time na ngayon si Evan sa kanyang negosyo at kasama niya ang kanyang asawa sa pagpapatakbo ng Sundals. Ngayon ay nag expand na ang kanyang negosyo at nag-aalok na din sila ng bridal collection na gawa sa abaca fiber. 

Bisitahin ang kanyang Lazada store.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.