Kilalanin Ang Online Seller Na Mula Sa Php3,500 Na Puhunan, Nakabenta Na Ng Higit 3.4 Million Worth Of Products

Tunay na nakakainspire ang kwento ng online seller na si Vannerie Picar dahil mula sa Php3,500 na puhunan, ay milyonarya na ngayon.

Hindi naging madali ang paglalakbay ni Vannerie dahil siya ay isang single mom na iniwan ng kanyang partner. Ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay magsumikap at ma-achieve ang kanyang mga pangarap.

“Nung iniluwal ko naman siya, pahirapan ang paghingi ng sustento at suporta kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong paa. Bilang single mom, isa kasi sa mga struggle namin yung panghihingi ng sustento, ng supporta,” kwento ni Vannerie.

Ayon sa kanya, pumasok muna siya sa isang call center, ngunit kalaunan ay napansin niya na hindi sapat ang kanyang kinikita upang suportahan ang kanyang sarili at anak. Kaya naman isinugal ni Vannerie ang ipon niyang Php3,500 para magsimula ng kanyang online business.

Alam niya na madami ang gustong magpaganda kaya naman pinasok niya ang mundo ng skin care at cosmetics. 

Vannerie Picar showing her products for delivery

“Dahil madaming gusto magpaganda, skin care yung tingin kong puwede mabenta. Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500,” kwento niya.

Dahil kulang ang hawak niyang pera, naghanap siya ng distributor.

“After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”

Ngunit hindi niya i-nexpect ang mga challenges na bumungad agad sa kanya. Bukod sa mga joy miner, andyan din ang mga customers na walang pakielam kung bumalik man ang item na may sira.

“Minsan kasi may mga customers na wala palang ready na pambayad. Minsan nagti-trip lang silang umorder. Noong una, medyo masakit sa akin kasi pagbalik sa iyo, sira na. ‘Tapos di mo na magagamit, di mo na maititinda.”

Aminado si Vannerie na naisipan niya ng mag quit, mabuti na lamang ay naisip niya ang marketing strategy na kung saan siya mismo ang proof na epektibo ang mga produktong ibinebenta niya. Ipinost niya ito sa TikTok at kanyang Facebook pages and the rest was history.

“Hindi ko inaakala na mararating ko yung PHP3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako.

“Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak,” lahad ni Vannerie.

Ngunit nilinaw niya na hindi pa siya milyonarya, gross sales lamang ang PhP3.4 million na kanyang binanggit.

Sa ngayon, bukod sa pagiging online seller ay product reviewer na rin si Vannerie.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.