Kapuso Child Star, Nag-Share Ng Tips Sa Mga Gustong Maging Batang Entrepreneur

Tunay na kahanga hanga ang Kapuso child actor na si Yuan “Paopao” Francisco dahil sa murang edad ay alam na nito ang halaga ng pera.

Talaga namang proud na proud ang kanyang parents sa achievement nito dahil kamakailan lang ay nagbukas ang child actor ng sarili niyang negosyo.

Nagbebenta lang naman si Yuan ng mga motorcycle helmets at mga safety gears. Para sa bata, masaya siya na nakakatulong sa magulang sa kanilang mga gastusin lalo na at panahon ng pandemya.

Pinangalanan niya ang kanyang store na “Helmet ni Paopao.” Ayon sa bata, malakas daw ang negosyo dahil sa dami ng nagmomotor at bisikleta lamang ngayong may pandemic.

Sa katunayan, nagbigay pa nga ng advice ang bata sa mga katulad niyang nais din magsimula ng kanilang negosyo.

“Matuto po kayo kung paano po i-handle yung negosyo. Mag-budget po kayo kasi mahirap nga po ang buhay lalo na po ngayong nagkaroon ng pandemic,” sinabi ni Paopao sa isang panayam.

Ang masnakakabilib pa ay isinasabay niya ang kanyang business sa pag-aaral. At nagagawa daw niya lahat ito dahil humihingi siya ng gabay sa Panginoon.

“Huwag po tayo mawalan ng pag-asa. Mag-pray lang po tayo kay Papa God,” ani Pao.

Proud din na shinare ng bata na meron na siyang physical store na pwedeng puntahan ng mga interesadong bumili ng safety gears at helmet.

“Tapos ayun po, nagdire-diretso na po hanggang sa nagkaroon na po kami ng physical store,” pahayag pa ng negosyanteng bagets.

Ibinahagi din ni Pao kung paano umiikot ang kanyang araw sa negosyo at online school.

“Pagkatapos ko po na mag-online school, tapos ko na po yung mga homework ko, kapag may free time po ako, tumutulong po ako sa business namin.

“Tinitingnan ko po kung meron pa po kaming stock ng helmet para makapag-restock po ulit kami ng mga helmet na bago,” dagdag ng batang aktor.

Nakilala si Yuan bilang si Paopao sa mga ginawa niyang programa sa GMA. Ilan sa

Leave a Reply

Your email address will not be published.