Fully Booked But 3 Stores No Longer Available: Local Book Shop Still Has Something in Store

Tatlong branches ng Fully Booked ang nagsara nitong Enero.

 

Hindi na mabibisita pa ng mga bookworm, estudyante, at mga book hoarder ang mga shops sa Torre Lorenzo sa Taft Avenue, Century City Mall at Ayala Vertis. Ang S’Maison branch naman ay temporarily closed until further notice.

 

Nagsara ang mga branches na ito dala na rin ng Covid19 pandemic. Ang Taft branch ay hotspot for students and other professionals but with the pandemic restrictions ay naging bihira na rin ang customers nito.

 

“Due to the move to remote learning during the pandemic, that greatly affected the traffic from students visiting the store. We only announced recently that it would close for good since our lease contract expires at the end of this month,” saad ng founder at managing director na si Jaime Daez as quoted by Rappler.

 

Ang branches naman sa Century City Mall at Vertis ay tumigil ng operasyon sa pagtatapos ng lease nito sa mga naturang malls at dahil na rin sa poor performance mula noong magumpisa ang mga restrictions sa movement ng tao at pagshift sa online learning.

 

“The pandemic – with shutdowns and disruptions in manufacturing and logistics – exacerbated this problem. It’s quite tough to make sure that a book will be available on our shelves on release date,” paliwanag ni Daez.

 

Bagamat naapektuhan ang mga physical bookstore negatively ng pandemic gaya ng maraming industriya ay mas dumami naman ang bumibili ng physical copies instead of digital counterparts ayon sa isang research.

 

Kaya naman para Fully Booked, tuloy pa rin ang operasyon bagamat unti-unting nababawasan ang halos 30 nitong branches.

 

Sinabi ni Mr. Daez na ang focus nila ngayon ay sa e-commerce. Sinisigurado din n’ya na magkakaroon ng hakbang para maiwasan ang mass lay-off sa kanyang kumpanya.

 

“At that time, our main goal was to keep the company going and to make sure there would be no employee retrenchment. We were fortunate that we already had our online store pre-pandemic so we just diverted our focus to grow our e-commerce to sustain the business,” Daez said.

 

“Growing an e-commerce business is different from growing retail stores in terms of operations, marketing, and other aspects. Kudos to the employees for being able to adapt to these changes. Two years later, Fully Booked is still here: committed to the country’s growing community of readers.”

 

Unang nabuo ang Fully Booked noong 2012 sa pangunguna ni Chris Yam Daez. Ang layunin nito ay labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon. Ang Fully Booked foundation ay patuloy pa rin ang mga gawain gaya ng donation drive at book donations para sa mga underprivileged kids sa iba’t ibagn parte ng bansa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.