Fish Vendor Buys Gadget for Kids. Gov’t Starting to Address That?

Naantig ang puso ng mga netizens ngayon sa isa sa mga kauna-unahang feel good story ng taon.

 

Sa isang post ni Maia Obera, ikinwento n’ya ang sakripisyo ng isang mangingisda para lang mabilhan ng gadget ang kanyang anak.

May be an image of 1 person and indoor

Binili ng naturang ama ang isang cellphone through a home credit scheme na kilala sa pagpapautang sa mga nangangailangan sa murang monthly payment. Ang catch nga lang ay significantly higher ang babayaran ng nangutang kumpara sa suggested retail price ng item.

 

Sabi sa post ayon kay Obera:

Tatay: Maam, babayaran ko yung 3 months na hindi ako nakabayad sa Home Credit. Text ng text na sila baka makulong ako. Hehe.

Cashier: Cellphone kinuha mo Sir?

Tatay: Oo maam pero anak ko ang gumagamit. Lagi nalang nag-gagames. 4,000+ ang aking dapat bayaran. Pakicheck nalang po maam.

Cashier: Bayaran mo ‘to ngayon Sir?

Tatay: Oo maam. Maliit lang nga kita ko sa binebenta kong isda. Pero sige lang, matatapos ko rin bayaran ‘to.

“Advise ko sa mga bagets, hindi tumatae ng pera mga magulang niyo. At icheck niyo muna kung kaya ba bayaran ng magulang niyo ang mga luho niyo. Tignan niyo kung kaya bang bayaran monthly? Dahil hindi lang yan ang prinoproblema nilang bayaran kada buwan.

Daling na-touch ang mga Pinoy netizens sa kwento. As of January 9, ay mayroon na itong 1.6k comments at 7.7k shares sa Facebook community page na Kami.com.ph.

Hindi na napangalanan ang naturang tatay sa kwento pero madaling naka-relate ang mga Pilipino sa kwento dahil nakita nila ang kanilang sarili kay tatay.

“Ako super ang pagpapahalaga ko sa phone na bigay sa akin/regalo sa akin ng father ko kasi hindi siya pinulot lang pinag paguran siya kahit hindi new model kahit second hand lang ang importante may phone so far mag tatatlong taon na siya sa akin. Kaya sana pahalagahan ang binibigay ng magulang and kung hindi kaya ibigay wag ng ipilit or pag ipunan mo ikaw mismo gumastos sa cellphone na gusto mo.” – comment ng user na si Renalyn Martinada.

 

Gadget pang iskwela ang naging sentro ng topic para sa maraming netizens sa Facebook post dahil ito ang isa sa pinaka-kailangan ng mga kabataan ngayon matapos mag-shift ang mga klase sa online learning.

 

May mga panawagan ng donasyon para online learning gadgets noon upang matustusan ang mga walang kakayahang bumili nito. Gaya ni tatay Fish Vendor. Ayon kay Vice President Leni Robredo sa launch ng kanyang donation drive noong 2020 through her office, malaki ang papel ng mga donasyon ng private sector para siguraduhing lahat ay magkakaroon ng access sa quality education.

 

Pagkatapos ng mahigit isang taon, mayroon nang proposed na batas na naglalayong magbigay ng isang gadget per student. Sa mgayon ay na early stages pa lang ang batas na ipinasa ni Senator Nancy Binay.

 

Ayon sa “One Tablet, One Student Act” or Senate Bill 2454 ni Binay, dapat ay magkaroon ng one tablet each ang mga elementary at high school students, pati na rin ang mga college students mula sa college and state universities “to enable them to effectively participate in online learning.”

 

Maganda ang batas na ito at kung maipapasa, mababawasan nang malaki ang bilang ng katulad ni Tatay Fish Vendor.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.