Financial Literacy For Kids: Mga Paraan Kung Paano Sila Turuan Ng Maaga

Noong tayo’y mga bata pa, ipinaintindi ng ating magulang ang kahalagaan ng pagsasabi ng “po”, “opo”, at “please.” Dahil dito, lumaki tayong marunong gumalang sa mga nakatatanda.

Ganoon din ang usaping pera. Mas maaga nating itong maituro sa mga anak natin, ay mas maaga din nilang makikita ang kahalagahan nito.

Ito ang ilang paraan upang mapaintindi natin sa ating mga anak ang konsepto ng pera, pagtitipid at pag-iipon.

1. Alkansya Challenge

May be an image of text that says 'LENGE 2018 P53,7 IPON CHALLENGE ESO SENSE IPON CHAL 3,750 IF COMPLETED ETED IFCOMPLETED ETED PESO PESO 15,000 8,000 OMPL SEA 50 IGE 2018 P53, 750 COMP ETED PESOS LENGE 2018 P53, 7.580 IF COMPLE LETED PESO'

Bigyan ang iyong anak ng alkansya na kung saan maaari niyang ilagay ang mga tira niyang baon sa school. Kung may gusto siyang bilin na laruan o kung ano pa man, sabihin na pwede lamang niya itong mabili kung puno na ang alkansya.

Tiyak na matututo ang iyong anak na maging mas responsable at mag-achieve ng ng goal.

2. Isama siya sa Palengke at Grocery

Ipaintindi sa bata ang halaga ng mga bagay, mula sa pagkain at pangangailangan. Dito ay magkakaroon sya ng awareness sa halaga ng bawat bagay at mas i-vavalue niya ang pera dahil hindi lang ito tumutubo sa puno. 

3. Huwag Sanayin Manghiram

Iwasang maging ugali ng anak ang manghiram, Mapa laruan man o kung ano pa, ipaintindi sa bata kung ano lang ang kanya at hindi. Dahil paglaki nito, maaaring magka tyansa na pera na ang hihiramin niya sa iyo o sa ibang tao.

4. Hikayatin Magkroon ng Sariling Bank Account

Kung ikaw yung tipo na hindi kinukuha ang aguinaldo ng anak tuwing pasko, hikayatin mo ang iyong anak na magbukas na sarili niyang bank account at ilagay ang napamaskuhan dito.

Tayo mismo ay alam ang sarap ng pakiramdam noong unang nakapagbukas tayo ng bank account. At kapag may pumasok pa na interes, kahit maliit, ay sapat na para mamotivate at mainspire ang bata na dagdagan pa ang kanyang ipon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.