Coins Pro vs. Coins.ph: Ano Ang Maganda?

Ngayong panahon ng pandemic, mabuti na mayroong pagkakitaan na hindi nangangailangang lumabas ng bahay para isagawa. Iyan ang dahilan kung bakit nag-invest ang mga tao sa mga behikulo na maaaring magpalago ng pera. Isa sa mga behikulong ito ay ang cryptocurrency trading.

Dahil dito, naglabasan ang mga iba’t-ibang plataporma ng currency trading. Isa na dito ang Coins Pro Philippines, ang unang digital currency exchange service sa bansa. Kung familiar ang tunog ng pangalan, ito ay dahil sa operasyon ng Coins.ph na nagpapatakbo dito. Sa madaling salita, ang Coins Pro ay isang trading platform/e-wallet na kung saan maaaring mag-trade ng cryptocurrencies tulad ng Bitcoin at Ethereum. 10Php lang ang minimum cash-in amount habang walang limitasyon ang cash-out.  

Kahit na ang Coins.ph ay nagpapatakbo sa Coins Pro, mayroon pa ring pag-iiba sa dalawa.  

  • Mas gamit ang Coins Pro sa digital trading; ang Coins.ph ay nagsisilbing e-wallet kung saan maaaring mag-deposit ng currencies.
  • Walang limitasyon ang trading, balance, at deposit limits ng Coins Pro, ngunit may limitasyon ang withdrawal ayon sa verification level. Sa Coins.ph, ang limitasyon ay nasa cash-in at cash-out na nakasalalay sa account level.
  • Naniningil ang Coins Pro ng trading fees base sa trading volumes kada buwan; naniningil Coins.Ph ng cash-in at cash-out fees ayon sa payment options na pinili ng kliyente. 

Samakatuwid, mas mababa ang fees ng Coins Pro at mas malaki ang trading volumes nito, bukod sa 24/7 ang serbisyo. Magandang option ito para sa mga gustong matuto at di takot maghintay sa waitlist para sa paggawa ng account. Para sa mga nagsisimula pa lamang sa cryptocurrency trading, mas madaling ang Coins.ph para sa paggamit ng digital currencies at mas maraming options siyang mapagpipilian para sa cash-in at accessibility. 

Mahalagang maintindihan ng mga tao ang pag-iiba ng dalawang plataporma bago silang mag-invest. Depende sa mga hangarin at pangangailangan ng taong gagamit nito, mag-iiba ang plataporma at estratehiya paglagay ng puhunan. Halimbawa, mas magagamit ng isang day trader ang Coins Pro habang ang taong nangangailangan lang ng e-wallet ay maaaring makinabang sa Coins.ph. 

Samakatuwid, di naman kailangan na maging mutually exclusive ang dalawa dahil konektado sila sa isa’t-isa at maaaring mag-rehistro para sa Coins Pro gamit ang Coins.ph account. Magandang taktika ay ang mag-invest sa Coins Pro, mag cash out, at i-deposit ito sa Coins.ph e-wallet. Mas mapapadali ang learning curve kung i-leverage ang kakayahan ng bawat platform.  

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.