Coffee Lover Turned Entrepreneur Turns 6k Capital To 15 Branches

Minsan ay kahit hawak na natin ang ating dream job ay napapaisip pa din tayo sa uncertainties na dala ng ating hinaharap. Iyan ang kuwento ni Anna Magalona, na napaisip sa kanyang options ng tumama ang Covid-19 pandemic. 

“Last August 2020, when the pandemic hit, I wanted something that could be a back-up plan if in any case I would get laid off or whatever happens to my work,” kwento ni Anna.

“I was thinking to myself: ‘What could be a back-up plan?’”

Kaya nag-isip siya ng negosyo na low maintenance, madaling ihanda at puwede niyang i-launch online.

At ang unang pumasok sa kanyang isip? Kape.

Sabi ni Anna, “I thought of coffee because I love coffee. And coffee is quite easy to prepare.”

Kahit na walang experience sa pagnenegosyo, buo ang loob ni Anna na simulan ito.

Sabi niya sa sarili, “Just as long as I know how to do the basic math, it could work for me during that time.”

Aniya naging blessing in disguise ang pandemya pagdating sa hindi pangangailangan ng physical store. Dahil dito, hindi niya kinailangan ng malaking kapital at ayon sa kanya, PhP6,000 lang ang kanyang pinuhunan sa negosyo.

 “We did not have a physical store back then. We just operated in sa condo.”

Nagpagawa rin siya ng labels na siya mismo ang nagdidikit sa paper cups para sa branding.

“We also bought one kilo of coffee grounds and a few milk and sugar syrup.

“I think that was very enough na to start na with selling at least 50 to 100 cups of coffee.”

At ng naayos niya na ang mga preparasyon, inilunsad na niya ang But First, Coffee.

Ang sumunod na pagsubok matapos ang launching ayon kay Anna ay kung paano niya masu-sustain ang operasyon.

Isa sa malalaking pagsubok na kanyang kinaharap ay kung paano makakakuha ng mas maraming customers, at kung paano ima-market ang kanyang brand.

Salamat sa social media, mabilis kumalat ang kanyang brand ng kape at testamento na din ito sa kalidad ng kanyang produkto.

Ngayon ay may 15 branches na ang But First, Coffee.

Masayang lahad ni Anna, “I get to stick with our mission and vision which is to create job opportunities for people or help people start their own business.

“I get to offer people with good, quality and affordable coffee. So it’s like they don’t need to break the bank just to get good coffee.”

Payo niya sa mga gustong magnegosyo kahit may pandemya, “I would definitely recommend you to start online because every day, people are on the web.

“They can see your products, your services. Invest in everything that you can to make your business a success.”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.