Celebrity Pandemic Business Success Stories

Isa sa natatanggang katangian nating Pinoy ay kung tawagin natin  ay “resilience’. 

Ito  ang abilidad natin na maging matatag sa gitna ng pagsubok at makahanap ng bright side sa kabila ng mga pinagdaraan. Patunay ng “resilience” at abilidad ng Pinoy ang ilang mga artista na nang tumigil ang mga tapings at walang kasiguruhan ang entertainment industry ay naging business owners. Imbes na mawalan ng pag-asa dahil sa pandemya… ang Pandemya pa mismo ang nagbigay daan para makapagtayo sila ng matagumpay na small businesses ngayon.

Dingdong Dantes and his Delivery Service biz

Dingdong Delivery and Marketplace app: Sell and Deliver on One Platform

From TV and film actor/  director  to a rising tech giant–  Dahil sa pandemya,  Dingdong Dantes was able to launch a full-service tech-solutions company that seeks not only to innovatively address everyday needs, but also provide livelihood to others. .Nagsimula ang kanyang ideya nang kailangan niyang tulungan ang asawa na si Marian Rivera para sa flower delivery business nito. Delicate ang items kaya si Dingdong na mismo ang nagdeliver.  Ito ang nagbigay ng ideya kay Dindong lalo na noong naka-quaratine ang lahat na walang nakakalabas at umaasa lahat sa delivery services. Inilunsad niya ang “Dingdong”, isang delivery service app in partnership with the leading software enterprise solutions company, PLDT-backed, Multisys Technologies Corporation.   Ang branding ng   delivery app ng aktor ay “professional malasakit”.  Layon ng “Dingdong” na dalhin ang Filipino value of malasakit  sa bawat delivery service nito at sa bawat rider na nabigyan ng trabaho ng kanyang Pandemic negosyo lalo na kapwa mga kasamahan sa showbusiness industry. 

Fried Chicken ni Gloc 9

Dahil sa COVID pandemic… GLOC-9, SIKAT NA SINGER-RAPPER NOON, TINDERO NGAYON NG FRIED CHICKEN

Popular rapper Gloc-9 is not just a rap idol but became an inspiring businessman because of the pandemic.  Walang kiyemeng sumali sa online food business trend si Gloc 9 at ang kanyang best-seller ay ang kanyang Fried Chicken.  Gumawa pa siya ng online videos para i-promote ito.  Bukod sa fried chicken, nagtitinda rin si Gloc 9 ng sari-saring Filipino food tulad ng biko, menudo at bopis.  Kwento ni  Gloc-9 in a Facebook post, “May nag tanong sakin, ‘Idol bakit ka nag bebenta ng kung ano ano? Hindi bagay sayo.’ Sabi ko sa kanya, ‘Tol wala namang masama siguro doon diba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag rap ay mag linis ng basurahan, kubeta at kanal’?”

He also reminded the public it is wrong to belittle online sellers like him especially during these challenging times. “Tandaan nyo mga kababayan, iba na ang panahon natin ngayon kailangan nating lumaban para mabuhay para sa mga mahal natin. Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito! APIR!!!.”

Bubble Gang Star Lovely Abella and her Lovely Cosmetics

No photo description available.

Single mom and now recently married to Comedian Benj Manalo ang Kapuso Bubble Gang star na si Lovely Abella. Nang magka-lockdown hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari sa TV career niya. BIlang ma-abilidad si Lovely, kumuha siya ng online courses para maging Fitness Coach at habang naka-lockdown nagbukas siya ng online fitness coaching.  Bunsod din ng quarantine, sinimulan niya mag Online Selling at hindi inakalang papatok ito.Isa si Lovely sa mga naunang online sellers at mula sa mga kinita sa diskarte ng online selling at online fitness coaching, nabuo pa ni Lovely ang pangarap na Cosmetics business. Dahil sa pandemya, napilitan siyang mag-isip ng paraan para makapaghanapbuhay. Sa ngayon, si Lovely na ang CEO ng Lovely Cosmetics at nakapagpatayo pa sila ng bagong bahay ng kanyang asawa na si Benj.   Bukod sa achievements na ito ang pinakamasarap na tagumpay para kay Lovely ay makapagbigay hanapbuhay  dahil sa maliit niyang negosyo.

Malaking bagay ang small business sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa.  SMEs (Small Medium-sized  Enterprises) play a vital role in the Philippine economy, accounting for over 99% of all firms and almost two-thirds of employment.  Kasama sa “Hanapbuhay para sa Lahat” plan ni Vice President Leni Robredo ang pagsuporta sa small businesses.  Kapag nanalo bilang Pangulo ang konkreto niyang plano ay mag- allocate ng P100 billion in a stimulus package for SMEs as part of the country’s COVID recovery plan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.