Business Loans Mas Madali Ma-Approve sa 2022? Local Banks Bullish About New Year

Maraming mga Pilipino ang instantly naging mga negosyante dahil na rin sa pangangailangan dala ng kawalan ng seguridad sa kanilang trabaho. Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahil sa paglumpo ng Covid19 sa maraming kumpanya.

Hindi ito isang malaking desisyon para sa ilan, lalo na’t kung wala silang naitabing puhunan para sa kanilang planong negosyo. Ang solusyon? Bank loan.

Mas magiging madali ang pamumuhunan sa 2022 ng mga small businesses dahil ayon kay Asian Institute of Management economist John Paolo R. Rivera, mas preferred ng mga bangko ang business loans kaysa personal loans.

“Business loans are more likely to be approved because the loan will be used to generate income to pay for the loan. Consumer loan is still risky for banks because of the persistent uncertainties in employment and household income,” sabi ni Rivera sa isang Viber message obtained by Business World Online.

Favorable 2022 for Banks and Bank loans

Ang statement na ito ay inilabas kasabay ng report ng Bangko Sentral ng Pilipinas tungkol sa positive trend sa banking industry.

Upward trend ang nakita ng mga lokal na bangko sa Pilipinas at umaasa ang mga ito na ito ay magpapatuloy sa bagong taon.

Tumaas ng four percent noong November 2021 ang outstanding loans sa mga major bank firms kumpara sa taong nagdaan ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang pagtaas na ito ay mas mataas ng halos one percent kumpara sa buwan ng Oktubre at pinakamabilis simula noong makapag-record ng 4.7 growth rate noong August ng parehong taon.

Itinuturo ng BSP ang growth rate sa banking loans sa lumuluwag na regulasyon for economic activities dala ng gumagandang sitwasyon laban sa Covid19 pandemic.

Ang Pilipinas ay kumakawala na sa pandemic-induced recession at para kay Nestor Tan, president and chief executive officer at BDO Unibank Inc, ang positive trend na ito ay lilikha ng maraming bank loans para sa maraming businesses.

‘Cautiously optimistic’ ang mga kumpanya para sa 2022.

“So next year looks like an exciting year for all of us. I’m cautiously optimistic, hopefully in the next three weeks, we will see a continuous trend of improvement in our COVID situation,” sabi ni Fabian Dee, president of Metropolitan Bank & Trust Co. (Metrobank).

Beneficial sa small businesses

Ang balitang ito ay siguradong yayakapin ng maliliit na negosyo sa bansa. Isa ito sa mga main topic noong Nobyembre sa isinagawang “Kandidatalks” ng Go Negosyo, isang organisasyon na sumusuporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, isa sa mga panauhing pandangal ng event, ang MSMEs ay ang backbone ng ekonomiya ng bansa, producing up to 5.3 million jobs. Para sila ay maging sustainable, lalo na sa harap ng mga national disaster, kailangan nila ng suporta mula sa mga financing firms.

“They are the backbone of the economy, but they are the ones who have a hard time,” she said in the event.

Nais din n’yang bigyan ang mga MSMEs ng tsansa na ma-involve sa big projects at bigyan ng oportunidad para sa innovation ang mga start-up businesses.

Leave a Reply

Your email address will not be published.