Balak Magtayo Ng Sariling Milk Tea Business? Ilang Business Lessons Mula Sa Serenitea Co-Founder Juliet Herrera-Chen

Maraming ang mag-aagree kung sabihin na ang milk tea ay parte na ng kultura at paboritong panulak ng mga Pinoy. Marami man ang nag-isip na ito ay fad lamang, parami din naman ng parami ang umuusbong na ganitong negosyo.

Kaya kung ikaw ay may plano na magsimula ng sariling milk tea business, ito ang ilang payo mula sa Serenitea co-founder Juliet Herrera-Chen kung papaano mo maaaring mapalago ang iyong negosyo.

Mag Persevere At Huwag Sumuko Agad

Hindi nagsimulang successful agad si Juliet Herrera-Chen at asawang si Peter Chen at sa katunayan ay wala silang kinikita sa ilang buwan simula ng buksan ang negosyo.

“I said yes without any idea na hindi pala ganun kabilis magtayo ng business,” sabi ni Juliet. “I thought it was easy and glamorous to have a business na matatawag pero hindi pala ganun kadali.

“Natatandaan ko yung sales namin nung first day was P600 lang, tapos yung kalahati nun binili pa namin, so yung P300 galing pa sa aming mag-asawa. Nalugi kami ng ilang months. Dumating sa point na we kept borrowing money from our parents to sustain the business.”

Mabuti na lamang ay naisip ng mag-asawa na gamitin ang social media para itaas ang awareneness sa kanilang produkto. 

“Akala namin magsasarado na kami. Wala na kami pambayad ng rent noon, pero nung kumalat siya by word of mouth through the help of the bloggers, doon kami nabuhay,” dagdag niya.

Ito din ang naipayo ni Vice PResident Robredo sa mga aspiring entrepreneurs sa isang seminar ng GoNegosyo noong Nov. 2021. Ani Robredo, kapag nag stick ka lamang sa isang diskarte at naging choosy ka sa mga options mo pagdating sa iyong negosyo, ay kaunti lang din ang mga oportunidad na papasok sayo.

“‘Some are a bit choosy: ‘I don’t want to that. This is the only thing I want to do.’ If we’re like that, the opportunities are fewer, I think. But if we are the type of person who keeps fighting, the doors and windows of opportunity will really open up for us,” sabi ng VP.

Kung hindi naisip ng mag-asawa na palawakin ang brand awareness sa kanilang produkto ay malamang, nagsara ng maaga ang kanilang negosyo. 

Mabuti na lamang ay sa panahon ngayon, pamilyar na ang bawat Pilipino sa milk tea at mga flavor nito. Kaya maaari kang mag focus kung paano na lang ito pasasarapin at babalikan ng mga consumer mo.

Makinig sa Feedback ng Iba Tungkol Sa Iyong Produkto

Walang formal training pagdating sa paggawa ng milk tea ang mag-asawa. Kaya minabuti nilang alamin ang timpla na magugustuhan ng nakararami sa pamamagitan ng pagpapa taste test ng kanilang mga produkto.

“Nag-prepare kami ng drinks, tapos yung mga comments nila tinake note namin kasi yung ginawang drinks ng husband ko is Taiwan-style so pagtikim ng mga co-workers ko medyo matabang.

“You know how Filipinos like sweet, so ginawa ni husband ni-improve niya, pinatamis niya to make sure na pasok siya sa panlasa ng Pinoy,” sabi ni Herrera.

Ngunit hindi lahat ng feedback ay dapat pinapakinggan ani Herrera. Dahil kung nakinig sila na fad lang ang milk tea business ay hindi nila matatamasa ang success na nararanasan nila ngayon.

“Actually, marami nga nagsasabi nang tinayo namin itong business na fad lang yan,” she says. “Mawawala din yan katulad ng parang yung mga pearl shake dati, pero I think hindi ito mawawala. Kung titingnan mo yung trend sa Taiwan, yung milk tea or bubble tea business has been there since the 1980s.”

“(More than) 20 years na sya, so I think hindi siya basta-basta mawawala sa Philippines, because tested na siya. Yung milk tea parang coffee yan, meron yan caffeine kaya hahanap-hanapin mo yung lasa.

“Noong 2008, actually meron na nagbebenta ng Taiwanese bubble tea pero hindi sya gaano na-market kasi they were more in restaurants. Kami ang focus namin tea house talaga. Ang pinaka-common namin lahat ay yung pearls na sago. Feeling ko yung love ng mga Filipinos sa pearls hindi mawawala dahil sa taho,” kwento ni Herrera.

“Very nostalgic ang sago. Talagang hinahanap-hanap sya, like may pagkakataon din sa stores namin na hindi kami makapagbenta ng pearls na out of stock, hindi bibili ang customers pag walang pearls ang milk tea,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.