Baguio Resto-Owners Local Farming ang Sagot sa Covid-Related Financial Hardships

Noon simula ng Covid19 lockdowns noong 2020 ay marami sa mga Pinoy ang instantly naging plantito at plantitas.

Para sa iba ay paraan ito para mag-release ng stress at para sa iba naman ay simple lang, relaxing ang presensya ng mga halaman.

Ang Health 100 restaurant chain owners na sina Elmer at Dr. Celestrelle Macalingay ay hinigitan ang pagiging plantito at plantita. Sa isang farm sa Baguio ay nahanap nila ang isang klase ng hobby na hindi nila alam ay magiging full-time interest nila eventually.

Nangangarap ang couple na ito na makapagpatayo pa ng isang restaurant na magbibigay sa mga customers ng more options for healthier food. Bumili sila ng isang 2.6-hectare property sa Baguio ilang araw bago ang pandemic.

Gaya ng iba ay pangamba sa kanilang profit ang una nilang naramdaman dahil mga restaurants at tourism industry ang isa sa mga pinakamalalang na-apektuhan ng Covid19-related lockdowns sa bansa.

Turned out, ang bagong biling lupain pala ay kanilang magiging katuwang para maipagpatuloy ang kanilang pangarap at patuloy din na makapagbigay ng pagkakitaan sa kanilang mga empleyado.

“At least we had this (farm) because the lockdown hit us hard (emotionally); the financial side is a different story,” sabi ni Elmer sa isang interview with Rappler noong December 2021.

Nagsilbi din ang kanilang bagong farmland bilang isang community pantry na nag-abot ng tulong sa mga frontliners at sa mga nangangailangan ng ayuda na pagkain.

Vegetarian si Elmer at parang naging sariling source na rin n’ya ang kanyang bagong farm.

Sa ngayon ay tinataniman ng mag-asawa ang kanilang Baguio farm ng iba’t-ibang gulay at prutas at nagpapalaki din sila dito ng mga manok. Mayroon din itong fish pond.

Plano ni Celestrelle at ng kanyang asawa na magtayo ng farm-to-table restaurant sa lugar kung saan ang mga customers ang mismong pipili ng kanilang gustong kainin at sila na mismong ang magluluto. Magkakaroon din itong lodging hut.

Ang plano ay simulan ang bagong concept resto ngayong taon.

Ang istorya na ito ni Elmer at Celestrelle ay ilan lang sa mga testamento kung gaano kahalaga hindi lang sa panahon ng crippling viral diseases kundi pati na rin sa panahon ng bagyo kung kailan biglang nagtataasan ang mga pangunahing bilihin.

Ayon sa joint statement ng Bayanihan sa Agrikultura, Federation of Free Farmers (FFF), Alyansa sa Agrikultura, Coalition for Agriculture and Modernization in the Philippines (CAMP), at ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI), ang agricultural sector at nag-stagnate o di kaya ay lalong humina noong panahon ng pandemic.

Kalakip nito ay food insecurity at unemployment. Nariyan din ang problemang dulot ng malawakang importasyon ng mga prutas, gulay, at marami pang ibang produkto na nakakasakit sa mga small businesses.

Sinabi ni Vice President Leni Robredo noong Nobyembre 2021 na ang agricultural sector ay kayang umangat at maging sagot sa mga marami pang problema ng bansa basta ito ay mapopondohan. Tinawag pa n’ya ang sektor na it na good job generator.

Ang Department of Agriculture sa ngayon ay puspusan din ang pagtulak at pagpondo sa mga magsasaka hindi lang sa probinsya kundi pati sa mga syudad sa pamamagitan ng “urban farming.”

“We encourage local government units (LGUs) and the private sector to invest in agriculture and fishery infrastructure and livelihood projects, particularly in palay (unhusked rice) procurement, provision of drying, storage and rice milling facilities, farmers’ trading and consolidation centers, cold storage facilities and logistics like reefer and food delivery vans,” saad ni DA secretary William Dar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.