Bags On Demand Owner Shares How Business Found Success Online

Staple na ang bag sa fashion statement ng bawat tao. Kaya kung ikaw ay magsisimula ng sariling business, ang pagbebenta ng bag ay magandang simula. Take it from the Bags on Demand owner Joy Delos Reyes.

Nagsimula ang entrepreneur journey ni Joy noong 2010. Bukod dito, mapalad siya na nakahanap siya ng partner na like-minded din at suportado ang kanyang mga plano. 

Siya at ang asawang si Rodel ay nagsimula agad magtayo ng business pagkagraduate at ayon sa kanila, ibang thrill talaga ang dala ng pagbebenta. 

“We were quite adventurous in our ventures – we sold everything from clothes to gadgets on sites like Sulit.ph, Facebook and Instagram,” kwento ni Joy.

Ayon sa kanya, ang kanyang ina ang nagsilbing inspirasyon upang maging negosyante. Payo din ng kanyang nanay na mas kikita siya kung sila mismo ang mag mamanufacture ng kanilang produkto.

“My mother inspired us to manufacture our own products, not just source them from other suppliers. During our buy-and-sell days, we noticed bags would always be top sellers and started from there,” ibinahagi niya.

Upang maiwasan ang unwanted inventory, order basis lamang ang paggawa ng bags ni Joy dahil nasa infant stages pa lang ang kanyang negosyo. Kalaunan, napansin na ng mga tao ang magagandang disenyo ng kanilang bag. Nakombinse ang mag-asawa na patungo sa magandang direksyon ang negosyo kaya naman dinala na nila sa Lazada ang Bags on Demand noong 2015. 

BAGS ON DEMAND. Photo courtesy of Lazada.

Bilang testamento sa quality ng kanilang mga bags, na-feature sila sa morning show na “Umagang Kay Ganda.” Ayon sa mag-asawa, isa sa mga staff ng palabas ang nakabili ng kanilang bag at sa sobrang bilib nito sa kanilang produkto, naisipan nitong hanapin sila at imbitahin sa palabas.

Ngayon ay may warehouse na ang mag-asawa sa Cabuyao, Laguna, kung saan dinidisenyo at minamanufacture ang kanilang mga produkto. 

Salamat sa dalang stability ng Lazada, nagkaroon ng oras si Joy at Rodel na mag-focus sa paggawa ng disenyo upang magkaroon ng maraming options ang kanilang mga customers. 

“When you’re an online seller, there’s a risk that your income will never be stable. But with Lazada, we know our income will never be zero,” sabi ni Joy.

Dahil sa kanilang tagumpay, napag-aral na nila ang ilan sa kanilang mga kamag-anak. Ang susunod na hakbang para kay Joy at kanyang team ay dalin ang Bags on Demand sa global stage.

Bisitahin ang Lazada store ng Bags on Demand.

Leave a Reply

Your email address will not be published.