Anong Sikreto? P6k-Coffee Business Nagsimula ng 2020 May 15 Franchises na Ngayon

as maraming Pinoy ang nagsimula ng kanilang sariling negosyo simula noong March 2020 dala ng Covid19 pandemic ayon sa business registration rates ng Department of Trade and Industry.

Ang pagne-negosyo minsan ay sugal ngunit para kay Anna Herman Magalona, it is a game she knows how to play kaya naman ngayon, ang coffee business n’ya na nagsimula sa sariling bahay matatagpuan na sa maraming bahagi ng bansa.

Ikniwento ng 25-year-old businesswoman sa Philippine Star kung paanong ang kanyang P6,000 na puhunan para sa kanyang to-go coffee business na kung tawagin ay “But First, Coffee” ay umalagawa into 15 franchises.

Aniya, gaya ng lahat, ang ideya sa pagtatayo ng negosyo ay nagsimula sa mga naramdaman n’yang uncertainty dahil sa banta sa trabaho ng Coronavirus.

Matatandaan na maraming mga negosyo, malaki man o maliit, ang napilitang magsara o di kaya ay magbawas ng empleyado dahil sa mga sapilitang lockdown at curfew para pigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Imbes na mag-antay ng kanyang tadhana sa kamay ng employer, pinili na lang ni Magalano na she will take matters into her own hands.

“Everything was very uncertain in those days. I personally felt that uncertainty. So I used that uncertainty as a motivation to make something, to build something that would catch me if anything fails in my career,” saad niya sa interview with Philippine Star’s Janelle Lorzano.

First step is always the hardest ika nga at ganon din para kay Lozano. Nagsimula ang kanyang negosyo sa loob ng kanyang condo unit at lahat ng aspeto nito ay s’ya ang nagasikaso.

Subalit, mas lumala ang kanyang hirap nang s’ya na mismo ang tamaan ng Covid19 noong Setyembre ng 2020.

Buti na lang at mayroon na s’yang mga established at returning customers, reason for her to stay motivated. Nang s’ya ay gumaling sa sakit, she took it up a notch sa “But First, Coffee” business sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang maliit na corner sa kanilang building.

 

Business is booming at wala na ang uncertainty na kanyang naramdaman kaya naman nag-resign si Magalona as a project manager sa isang software company.

“Nung nasa Makati pa lang, di ba naki co-lease ako, may isang staff ng kiosk din na lumapit sa’kin, ‘Hi open ka ba sa franchise?’ ‘Hi sorry bago pa lang di ko pa alam gagawin. Maybe I can offer partnership with you.’ After two weeks, naka-formulate kami ng partnership sa location niya which is in Molino, which is our second shop,” she said.

At mula noon, lumipad na ng tuluyan ang kanyang negosyo. Mayroon na itong 15 lamang branches through franchising. Lima doon ay pag-aari n’ya. Kumikita na s’ya ngayon ng P15,000-P20,000 a month per branch.

Mahirap ang pinagdaanan ni Magalona para marating ang lugar kung nasaan s’ya ngayon ngunit ang kanyang determinasyon, dedikasyon, at right-timing marahil ang dahilan kung bakit s’ya nag-stand out.

“To-go” products ang uso ngayon dala ng pandemya. Timing is everything pero mas effective ito kung sasamahan ng sipag at dedikasyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.