Anong ang ‘Spending Ban’ at Paano Iwasan ang Unnecessary Gastos Ayon sa Isang Eksperto

Cancel culture pero sa sarili mong gastador.

Sa panahon na ngayon kung kalian ang mga consumer ay napipilitang mag-engage with ads through targeted advertising ng mga social media sites, ang pagtitipid ay talaga namang napakaling pagsubok.

Of course, nandiyan din ang kagustuhan na makasabay sa mga bagong labas na teknolohiya. Kapag may bagong labas ng phone ang paboritong brand, “I must have it, too.”

It is time for you to stop those unnecessary spendings. Time to impose on yourself a “Spending Ban.”

Ang Spending Ban ay isang recommended strategy ni Emily Guy Birken, retirement plan expert at author ng librong “End Financial Stress Now.”

“The main thing is that you do this intentionally and mindfully and try to figure out a way to put a kibosh on your spending that’s unnecessary so that you can get back to a baseline understanding of what you really need on a daily basis,” Guy Birken said as quoted by NBC News.

Ito ay isang istratehiya sinubkan n’ya mismo kasama ang kanyang asawa at ito ang ilan sa mga tips na maaaring magamit din ng isang ordinaryong Pilipino.

Bumuo ng timeframe – Ang sabi nila, a habit is formed if you do it for 21 straight days. Ganoon din sa pag-impose ng spending ban sa sarili. Kailangan ay mag-set ng timeframe ayon sa author. Para sa mga naguumpisa pa lang ay hindi kailangang ganoon kahaba para maging healthy ang pagtitipid.

Alamin kung alin ang “necessary” at hindi – Kailangan ba talaga ng quality time sa mamahaling restaurant? Kailangan bang makipagsabayan sa officemate sa lunch out? Ito ang mga dapat na itanong sa sarili kapag nasa harap ng sitwasyon kung saan maaari namang iwasang gumastos.

Know where you will use that savings for – Malakas ang temptasyon na gastusin ang nakatabing pera kung wala itong pinaglalaanan. Nakatiwangwang lang at hindi na masama na magastos ang palaging katuwiran. Ayon sa author, kailangan ay mayroon kang paglalaanan ng pera. For example, a retirement plan.

Avoid pitfalls of spending – Kapag nakapag-desisyon na ay iwasan ang mag-commit sa unnecessary spendings bago magsimula. Tandaan, habit is what you’re forming and such activities is condoning your former self.

Iwasan ang mga sitwasyon na ikaw mapupunta sa “crossroads” – Matutong tumanggi kapag hindi naman talaga kailangan. Best example dito ay movie nights o dinner sa restaurants. Maganda din namang form of bonding ang pagluluto sa bahay. Isa ring example ay ang pagtanggi kapag inaya maging ninong, lalo na kung hindi mo naman ka-close ang nagaaya.

Ang mga tips na ito ay tila ba mga simpleng advice lang but as the author pointed out, temptation ang kalaban. Habit is formed and commitment is always crucial.

Leave a Reply

Your email address will not be published.