Ang Mala-Teleseryeng Istorya ng Dating Labandera na Ngayo’y Owner na ng Malaking Dampa Resto

Kilalanin si Cristhel Gardoce Bulabon, ang dating labandera na may kwentong mahihiya ang mga writers sa GMA at ABS-CBN.

Sa klase ng pamumuhay na mayroon ngayon si Cristhel – malaking bahay, madaming kotse, isang malaking dampa restaurant at iba pang mga negosyo – hindi mo maiisip na sobrang lalim ng kanyang naging simula bago makaahon.

Nagmula sa Bacolod si Cristhel at tila ba isang dramang telebisyon kung babalikan ang kanyang simula.

S’ya noon ay pitong taong gulang at kasama ng mga mas batang kapatid ay nakikitira sa kaniyang mapang-abusong tiyuhin.

“I was actually six (years old) when they left tapos naiwan sakin mga kapatid ko. Second to the eldest ako kaya lang ako yung tumayong eldest dahil medyo weakling yung brother ko,” sabi nito sa kanyang interview with Korina Sanchez sa Rated K.

 

Bagamat may tirahan, ang pagkaing kanilang kakainin ay kailangan munang paghirapan ng kanilang murang katawan sa pamamagitan ng pagiigib ng tubig. Kadalasan daw ay asin na lang ulam nilang magkakapatid.

Dahil sa awa sa kanyang mga kapatid, namasukan s’ya sa kapitbahay bilang tagahugas at tagalaba.

Patuloy ang pangaapi ng kanyang tiyuhin kaya lumayas s’ya sa malapit na kubo ng kapitbahay. Nagsimula s’yang magtabas ng tubo at kalamay na kanyang namang tininda bilang kakanin.

Binalikan s’ya ng kanyang nanay pero hindi din ganoon kaganda ang kanilang estado kaya naman patuloy ang kanyang literal na paghahanap buhay.

Namasura, naging labandera ang batang Crishtel.

Akala n’ya ay gaganda ang kanyang buhay noong naisipan n’yang mag-asawa sa edad na dise-otso dahil abusado ang kanyang asawa sa kanyang sarili at sa mga anak, to the point na ginagahasa pa s’ya nito.

Muling tumakas si Cristhel at nagpatuloy ang kanyang masalimuot na buhay at dahil sa desperasyon s’ya naging G.R.O.

Dito n’ya nakilala ang isang lalaki na tumulong sa kanya para makapasok bilang isang telephone operator.

Bagamat mas gumanda ang kanilang kalagayan, hindi s’ya nakuntento dito kaya s’ya ay nag-abroad at pagbalik ay nagtayo ng computer shop na nasundan ng karinderya, pagkatapos nito ay isang diving company.

Pagkatapos ay nagtayo s’ya ng isang dampa restaurant, 12 food carts na ngayon ay pina-franchise na n’ya.

Ngayon may sarili na s’yang sariling malaking bahay, apat na sasakyan at kumikita ng mahigit P500,000 kada buwan.

Bagamat malayo na ang narating ni Cristhel ay marunong pa rin s’yang lumingon sa pinanggalingan sa pamamagitan ng charity works at pagdo-donate sa mga nangangailangan.

Ang buhay ni Cristhel ay talaga namang inspirasyon. S’yang nagsasabi sa mga makakarinig ng kwento na, may oportunidad na naghihintay sa’yo. Don’t settle.

Leave a Reply

Your email address will not be published.