Ang Common Mistake ng Small Businesses Pagdating sa Financial Management

Ang pagne-negosyo ay hindi biro at maraming challenges. Andyan ang isyu ng target market at malalaking competitors.

Ngunit saan nga ba kadalasang nagkakamali ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs)?

Ayon sa isang finance professor mula sa Ateneo de Manila University na si George Omer Denis S. Quitoriano, kailangang bantayan ng MSMEs ang kanilang paggastos.

Para sa kanya, hindi dapat paghaluin ng isang negosyante ang personal at business goals para sa mas effective na financial management. Kailangan daw ay magkaiba ang pondo sa dalawa.

“There should be different treatment for the two because the business goals have a bigger aspect,” saad ni Quitoriano noong  virtual Financial Education Expo na ginanap noong isang buwan.

“It is dangerous if we keep on getting credit and we just spend it. The scary thing is when we are already getting credit to pay for another credit,” dagdag pa n’ya.

Ang pera inutang para sa business ay dapat daw gamitin lamang para sa business imbes na personal spending.

Ito ay advise din ni Vice President Leni Robredo sa mga MSMEs noong Go Negosyo forum titled “Kandidatalks” last month.

Para kay Robredo, na graduate ng Economics sa UP Diliman, kritikal ang financial management sa progreso ng isang maliit na negosyo.

“For me, it’s always the financial [aspect]. Isn’t the advice always to not spend more than what you need? Sometimes, we [her office] also have sustainable livelihood and training programs. The failure of a business happens if we don’t know how to manage,” sabi ni Leni na ngayon ay tumatakbo para maging sunod na presidente ng bansa.

“So the very first thing that we should manage is that we should know how to be strictly frugal at the start. We should spend only on things that would yield returns. If there’s no return, it’s not the time. Let’s skip that for now. We can spend on luxuries when we already have extra money.”

Kahit ang Go Negosyo founder na si Joey Concepcion ay napahanga sa kaalaman ni Robredo sa pagne-negosyo.

Nanawagan din ang bise presidente na tulungan ang MSMEs that accounts for more than 90 percent of the country’s business enterprises.

Sa ngayon ay may mga nakalaan nang programa para sa mga maliliit na negosyo para matulungan makabangon pagkatapos mahagupit ng Covid19 pandemic.

Ayon sa Department of Trade and Industry, mahigit PHP 6 billion worth of loans na ang napamigay sa MSMEs sa iba’t ibang panig ng bansa bilang saklolo para sa mga naapektuhan ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.