Ang 20-20-60 Approach Na Dapat Sundin ng Mga Small Business Owners

Maikli lang ang buhay ng mga small businesses ayon sa isang pagaaral at ang kadalasang dahilan nito ay ang pag mismanagement ng finances ng negosyo.

Ang financial journalist at certified financial planner adviser na si Salve Duplito ay may simpleng tip para sa mga nagnanais magnegosyo o di kaya sa mga Pilipinong nakapagsimula ngunit gustong manigurado panatilihing buhay ang kanilang venture.

Ito ay ang tinatawag n’yang 20-20-60 Approach.

Ipinaliwanag ni Duplito na kadalasang pagkakamali ng mga micro, small, and medium entrepreneurs ay ang paggamit ng resources ng negosyo kapag nagigipit.

“That’s dangerous because when you fall short, you will cannibalize your business to the point that it will not have the resources to survive especially during turbulent times like the pandemic. Eh turbulent na nga during okay times, lalo na during the pandemic,” he told Rappler.

Ang solusyon para sa kanya ay ang commitment na hindi gamitin ang pondo para sa negosyo sa ibang bagay upang sa gayon ay hindi mag-suffer ito.

Sa 20-20-60 approach ay hahatiin ng income mula sa negosyo. Ayon kay Duplito ang unang 20 percent ay para sa sariling kita. Ang ikalawang 20 percent namany ay para sa mga empleyado. Ito diumano ay para mas ganahan lalo mag-trabaho ang mga empleyado o di kaya ay mapigilan sila sa pag-alis at maghanap ng bagong employer.

Ang 60 percent naman ay para saan?

“Then the 60%, what do you do with it? You make it grow by reinvesting it [back] in the company, in new products, or another company. So that the power of compounding works for you. If you do this, you’re not commingling your money and that of the business.”

Nakikita din ni Duplito na maraming maliliit na negosyo ang nagre-rely sa personal loans at credit cards. Bagamat madaling maintindihan ito, iginiit n’ya na dapat na type of loan ay hindi personal.

“If a corporation has an unsustainable amount of debt, the business is in trouble, but the liability ends there. There’s more leeway if it’s a company that borrows money because the bank can’t take the personal assets of the owner. So yung sarili mong bahay hindi kukunin. Pag as a person you’re going to borrow, the bank can get your house.”

Inaasahan na marami pa ang magne-negosyo sa mga susunod na taon dala ng banta ng pandemya kaya naman mahalaga ang mga ganitong klaseng advice mula sa mga eksperto para sa mga nagnanais sumubok.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, she herself an economist, 99.5 percent of the 950,000-plus enterprises sa bansa ay under ng MSMEs category. Mula sa numerong ito ay 88.77 percent ang microenterprises. Nakakapaglikha din ito ng 5.3 million jobs annually.

Malaki ang gagampanan ng MSMEs sa personal at nasyonal na ekonomiya. Be wise always.

Leave a Reply

Your email address will not be published.