Amami PH: Negosyong Patok Nagsimula sa Pagmamahal sa Kultura at Kasaysayan

Trending ngayon ang mga lokal na produkto at gawa ng mga katutubo. Ayon sa isang survey ng Kantar, 90 percent ng mga respondents ay nagsabi na malaki ang tsansa na bumili sila ng mga lokal na produkto para sa kanilang sarili ang pangregalo dahil ang mga ito ay sustainable at nakakatulong mga maliliit na negoyso.

Nandyan din ang mga poncho dress mula Kalinga na dahil sa pagsuot ni Leni Robredo ay binibili na rin ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Pagdating naman sa alahas, hindi maitatanggi na ang local brand ang Amami PH ang pinakapatok.

Ang Amami PH, locally-owned jewelry store na nagbebenta ng mga palamuti at alagas na may reference sa kultura at kasaysayan ng ating bansa, ay isang social enterprise –  ibig sabihin ay mayroon itong social purpose bukod sa Negosyo.

Ayon sa mga may-ari nito na sina Danielle Tan and Christine Tiu isang profile interview with Cosmpolitan, ang negosyong ito ay nabuo dahil sa kagustuhan nila to contribute to social justice.

Ang dalawa na-expose sa buhay ng mga artisan, ng mga katutubo, at ng mga underprivileged and they found this business a sort of calling.

“We started out simply wanting to help the artisans we met in Ilocos whose stories deeply moved us. These artisans did not have a stable source of income, and many former artisans have already moved abroad (in search of blue-collar jobs) or moved on to other professions as they believed they could not survive on the craft, or they found the craft process too difficult and time-consuming. They often did not see the value of their work and some were even selling their products at a loss (in thousands of pesos!) out of desperation.”

Nakita din personally ng dalawang businesswoman kung gaano kaganda ang likha ng mga artisan na nakilala nila. Kaya naman naisipan nila na mag-invest hindi lang ng oras at pera para pondohan ito kundi ng oras sa pagre-research ng kasaysayan ng jewelry sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa noong 1521.

What makes their product unique?

Ang mga likha ng artisans ng Amami PH ay kumukuha ng inspirasyon sa local filigree tambourine work on jewelry na s’yang nag-poproduce ng amulets and talismans. Ang filigree isang uri ng sining mula sa ating mga ninuno. Noong dumating ang mga Espanyol ay ginamit nila itong filigree para bumuo ng rosary beads. Dito nakuha ng negosyo ang pangalan na Amami PH o pinaikling “Ama Namin.”

Ang isa sa kanilang unang inilabas na produkto, ayon sa kanilang website, ay sumasalamin sa ipinagmalaking Filipino heritage.

“Today, we are excited to share with the world a piece of our proud heritage as a Filipino people: centuries-old jewelry traditions perfected by our ancestors, rich with stories, and meant to be passed on for future generations of Filipinos.”

Ang tagumpay ng Amami PH ay hindi lang tagumpay ni Danielle at Christian. Para sa kanila, ito ay tagumpay din ng artisan na kanilang naging partner. Ito din ay tagumpay sa pagtaguyod at pag-promote ng kultura at kasaysayang Pilipino sa pamamagitan ng mga designs na sumasalamin sa ating nakaraan.

Ang kanilang latest release ay tinatawag na Basilio line, a genderless jewelry collection na ipinangalan mula sa isa sa mga kilalang karakter ng bayaning si Jose Rizal sa kanya nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ayon kay Tan at Tiu, pinili nila ang Basilio bilang pangalan ng collection dahil gusto nila ng pangalan na daliang makikilala ng mga Pilipino.

Maaari n’yong kilalanin pa ng mga proud na likhang Pinoy ng Amami PH sa kanilang website o sa kanilang Instagram Page.  

Leave a Reply

Your email address will not be published.