Alamin: 4 Businesses Na Pwedeng Simulan Sa 50k Na Puhunan Ngayong 2022

Maraming businesses ang nag transition na sa digital space at ligtas sabihin na ito na talaga ang new normal sa buong mundo. Kaya kung nagbabalak kang magbukas ng negosyo, ito ang ilan sa mga business ideas na pwede mong gawin online.

 

1. Online Tutorial Services

Startup cost: PhP40,000

Potential monthly income: PhP10,000 and up

How To Find an Online English Tutor: A Complete Guide

Tama ka ng rinig, sa halagang PhP40,000 ay maaari ka ng magsimula ng isang online tutorial service. Kailangan mo lang ng disenteng laptop o desktop computer, magandang internet connection (preferably fiber), at high-quality headset. Ito ang tutulong sayo upang makasabak sa isang online tutorial business na tutulong sa mga estudyante. 

Maaari kang kumita ng hindi bababa sa Php10,000 a month, at maaari pang tumaas ito depende sa scope ng iyong mga ituturo. Kung kailangan mo ng experience, maaari kang magsimula bilang ESL teacher at ito ang ilan sa mga kumpanya na nag-hihire ng online tutors.

“Since the business is very time-dependent, planning is key,” ibinahagi ni Mica na isang private tutor para sa mga grade-school kids. 

Ang kanyang advise: “Especially during busier weeks, you need to plan in advance and consider unavoidable circumstances, such as when your students come late or change schedules at the last minute.”

Kaya kung may talento at pasensya ka na magturo at magpasaya ng mga batang willing matuto, may future na naghihintay sayo dito.

 

2. Online Retail Store

Startup cost: PhP15,000 to 20,000

Potential monthly income: PhP10,000 to PhP15,000

How small online retailers can succeed in Philippines

Kaliwa’t-kanan na ngayon ang mga online sellers sa social media, pati na din ang mga success stories ng mga ito. Ngunit kailangan ay matatag ang iyong loob kung papasukin ito dahil matindi ang oras at logistics na nakalakip sa negosyong ito.

“You need the passion to last. It’s exciting at first—starting a clothing business—but once the thrill dies down and the responsibilities set in, you have to keep going,” sabi ng online retail entrepreneur na si CJ.

“I started with PhP20,000. That was enough to cover expenses for materials, labor, and photo shoots for marketing and promotional purposes.”

“Aside from passion, you have to accompany that with innovation and financial knowledge,” dagdag niya. “With the rapid pace at which trends are set, you need to keep your client base interested. This does not only encompass the designs of your clothes but other initiatives as well. As for financial knowledge, it’s important to do the math. A cost-benefit analysis will allow you mathematical proof of whether your venture will be worthwhile or not.”

Best friend mo sa negosyong ito ang Facebook, Instagram, at Carousell. Andyan din ang Shopee at Lazada na pwede mo ding gamiting outlet sa iyong mga paninda.

Bukod sa mga damit, maaari ka ding magbenta ng shoes, bags, action figures at beauty products, bilang popular ito at mabilis mabenta.

 

3. Make-up Services

Startup cost: PhP50,000

Potential monthly income: PhP3,000 to PhP50,000 

Professional Makeup Artist: What To Consider While On The Job

Mula weddings hanggang private lessons, napakaraming oportunidad upang pagkakitaan ang talento sa pag memake-up. Ang presyo ng isang professional brush set ay naglalaro sa PhP4,000, habang ang set ng high-quality products ay aabutin ng humigit kumulang PhP28,000.

“When I was starting out, I didn’t have enough money to buy foundation in a variety of shades,” kwento ni Sherylyn, isang freelance makeup artist. “One beauty hack I did was to buy the lightest and darkest shades and mix them to match various skin tones of my clients.”

Ang ticket sa iyong success sa larangang ito ay pag reach out sa family and friends. At ang maganda dito, maaari mong gamitin ang social media as your portfolio. Higit sa lahat, madali kang makahanap ng clients through referrals and word of mouth. Maaari kang gumawa ng tutorials sa YouTube para magkaroon ka ng authority sa industriya.

 

4. Delivery or Pasabuy Business

Startup cost: PhP5,000

Potential monthly income: PhP5,000 and up

Advantages of A Motorcycle Delivery Service - Airspeed Blog

 

Talaga namang nag boom ang delivery service dito sa Pilipinas simula ng tinamaan tayo ng pandemya. Para simulan ang negosyong ito, kailangan mo lang ay isang professional driver’s license at motor, bike o e-bike na maaaring gamitin.

Napakarami ng potensyal clients mo dito, mula sa iyong barangay at mga users ng delivery apps gaya ng Angkas, Grab at Lalamove.  

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.