5 Websites Na Pwedeng Pagkuhaan Ng Online Work

Ang COVID-19 pandemic ay nagbigay ng pag lugmo at kaba sa tao hindi lamang sa kapakanan ng kalusugan kundi pati na rin sa pag alala ng pag buhay ng kanya-kanyang pamilya dahil maraming nag sara at naluging negosyo dahil dito, na kung saan marami ang nawalan ng trabaho dahil dito.

Ilang buwan matapos ang unang lockdown, dahan-dahang nag adjust ang mga tao at nag rely sa online work. Ang ilan tao ay nakakita ng swerte sa paghahanap ng online work either sa Facebook o sa referral ng mga kaibigan.

Kung ikaw ay naghahanap ng source kung saan posible makakuha ng online work, eto ang listahan kung saan pwede mo i-check.

 

OnlineJobs

Ang onlinejobs.ph ay nag ooffer ng mga trabahong freelance, full time, or part time mula sa mga kumpanya na naghahanap ng tauhan para sa kanilang negosyo.

Nag ra-range ang mga trabaho mula sa data-entry work hanggang sa mga managerial position na paminsan ay nagkaroon pa ng magandang opportunity ang mga nag apply kapag pinagkatiwalaan sila ng cliente o may ari ng kumpanya.

 

UpWork

11 Sites like Upwork for freelancers who need clients fast

Ang UpWork ay nag bibigay ng contractual offers na perfect para sa mga freelancers.

Dito matatagpuan ang mga short time contract offers para din sa mga independent workers.

Mayroong sariling system ang UpWork kung saan doon na napoprocess ang payments at nag lo-log ang mga oras ng pagtatrabaho o time trackers.

 

Fiverr

How to Make Money on Fiverr - Small Business Trends

Ang Fiverr naman ang isang platform kung saan nakakakuha ng short time trabaho ang mga freelancers. Dito din sila pwede mag advertise ng kanilang mga services.

Ang ilan sa pinaka in-demand na freelance na trabaho na pinapagawa dito ay mga voice overs, video and animation, translation at pagsulat, at graphic design.

 

Freelancer

Ang Freelancer naman ay nakakapag bigay ng malawak na listahan para sa mga naghahanap ng trabaho na freelance pati na din mga full time work. Gaya ng online jobs, ang Freelancer ay mayroong mas malawak na listahan ng work ads na para sa buong mundo.

Ang mga naghahanap ng trabaho ay nakakapag bid sa nais nilang trabaho kung saan ang employer ay mamimili sa mga gusto nilang candidates.

 

Facebook Groups

Fun fact: Facebook groups are NOT communities, and you are not necessarily  a community manager. | by Elinor Cohen | Brand Commuities & Community  Marketing | Medium

Madaming trabaho ang naooffer sa iba’t-ibang Facebook groups na specifically para sa mga freelancers.

Ang isa sa Facebook groups na pwedeng salihan ay ang Online Filipino Freelancers. Madaming mga employers ang nagpopost ng kanilang job openings at nagbibigay ng details kung saan pwedeng mag send ng details, CV, o resume.

Leave a Reply

Your email address will not be published.