5 Items Na Masmagandang Bilin Ng Second Hand Kesa Brand New

Minsan, sa kagustuhan nating makatipid ay napapabili tayo ng mga second hand items na masmaganda sana ay binili na lang natin ng brand new. 

Kaya naman, ito ang lima sa mga pinakapraktikal na gamit na hindi mo pagsisisihan kahit bilin mo ng second hand.

 

1. Gym/Workout Equipment

Gym Indoor Spinning Bike Bicycle Home Exercise Bikes Spin Bikes Trainer  Stationary Fitness Equipment - China Spinning Bike and Air Bike price |  Made-in-China.com

Ang mga workout equipment gaya ng treadmills, ellipticals, at dumbbells, ay matibay at kadalasan, madaling ayawan ng mga nakabili nito dahil nawalan ng motibasyon sa pagwowork out.

“Many people buy these items with the intention of starting a regimen but fall off quickly and then try to unload these bulky goods that take up too much room,” sabi ng consumer at money-saving expert na si Andrea Woroch.

 

2. Sports Gear

Twins Boxing Gloves for sale in UK | View 28 bargains

Gaya ng gym equipment, ang sports gear gaya ng tennis racket, boxing gear, golf clubs at iba pa ay madalas mabilis pagsawaan kapag nakahanap ng bagong pagkakaabalahan ang may ari at natetengga lang sa sulok ng bahay. 

Kaya bago mag-isip na bumili ng bago, subukang humanap sa Facebook marketplace ng mga for sale na sports gear at malamang ay maaari mo pang tawaran ito dahil sa kagustuhang madispose agad ang item ng may ari nito.

 

3. Gadgets

lcd monitors 2nd hand - View all lcd monitors 2nd hand ads in Carousell  Philippines

Sa bilis ng pag advance ng teknolohiya ngayon, ganon din ang kagustuhan ng maraming consumers na maging up-to-date sa mga bagong labas na mobile phones, computer at TV.

Siguraduhin lang na tingnan ang release date ng isang gamit at tanungin ang dating may ari kung kailan ito nabili. Itanong na din kung may napalitan na itong parte at kung may warranty pa.

 

4. Kotse

Second-hand car price: 3 steps to calculate your car's resale value -  Philippines

Ang value ng isang kotse ay nagdedepriciate agad the moment na bilhin mo ito. Kaya subukang tumingin ng mga for sale na sasakyan from 4 to 5 years ago at hangga’t maaari, sa kakilala mo ito bilhin dahil maaaring maging tricky ang mga bagay-bagay pagdating sa mga dokumento nito.

 

5. Furniture

6 sitter dining table - Used Philippines

Napakaraming nagbebenta ng furnitures online ngayon dahil ang ilan sa mga ito ay mangingibang bansa na o di kaya ay lilipat sa mas maliliit na spaces. Madali ding makahanap ng magandang deal dito dahil ang may-ari ay siguradong naghahanap ng paraan para madispose ang mga gamit na ito immediately.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.