4 Na Mabentang Produkto Sa Live Selling

Isa ka ba sa mga nagnanais na magbukas ng sariling online business through live selling? Wala ng mas peperfect pa na panahon para magsimula kundi ngayon!

Alam mo ba, meron lamang 1642 online businesses na nakarehistro sa DTI noong March 2020? Ngunit ng magkaroon ng pandemya, lumobo sa 7,525 ang rehistradong businesses isang taon lang ang lumipas.

Ngayong napakaraming tao ang nakatutok sa kanilang social media dahil sa limitado ang mga pwedeng gawin at sa dami ng Facebook groups na pwedeng pasukin para mag share ng livestream links, napakarami ng oportunidad na nag-iintay para sayo.

Kaya naman, ito ang apat na produkto na mabilis mabili sa live selling. Ang mga items na ito ay kadalasang rare, maganda at fashionable sa paningin kaya nakakapag trigger ng impulse buying, at may nostalgia factor.

 

Eight Places to Buy and Sell Preloved Fashion in Melbourne Sales &  Warehouse Sales — hussh

1. Pre-loved Clothes

Napatunayan na talagang mabenta ang pre-loved clothes sa dami ng online sellers na may kanya-kanya ng success stories dahil dito. Bilang inspirasyon, nagsimula itong online seller na ito na meron lamang P7,000 na puhunan at ngayon ay kumikita na ng 80-100k kada araw.

Ayon nga sa kasabihan, “beauty is in the eyes of the beholder.” Kahit na ano pa ang damit na iyong binebenta, meron at merong tao na magkakagusto dito at gagawin ang lahat upang makuha ito at huwag maunahan ng iba. 

 

2. Shoes

Pamorma man o para sa physical activities, ang sapatos ay nasa tuktok ng listahan pagdating sa pagiging eye-candy. Bukod doon, sa dami ng basketball junkies sa bansa, napakamabenta ng mga basketball shoes. May dahilan kung bakit napakaraming planta ng Nike o Adidas sa bansa, at dahil yon sa mga kolektor at shoe enthusiasts.

Star Wars: The Black Series 6" Wave 37 Set of 8 Figures

3. Action Figures

Kung nostalgia factor ang pag-uusapan, nangunguna sa listahan ang action figures ng mga anime o cartoons na ating kinahiligan noong tayo ay mga bata pa. Kaya para maramdaman ang saya ng pagiging bata, marami ang nangongolekta nito. Dahil maganda ito sa paningin, marami talaga ang nag-uunahan sa pag “mine” ng mga items na ito. Bukod pa dyan, swak na swak na pangregalo ito sa mga kabataan.

 

4. Alahas

Bukod sa engrandeng appearance ng mga alahas, ang ilan ay naniniwala din na may kakaibang mahikang hatid nito. Pinaniniwalaan na naghahatid ito ng swerte at totoo man o hindi, tiyak na makakabenta ka salamat sa mga pamahiing ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.