4 Effective Ways Para Mag Ipon Ngayong 2022

Kamusta ang savings mo noong 2021, kaibigan? At kung hindi ka masaya ng mabasa yan, ay meron tayong mga kailangan gawin para iba naman ang kwento ngayong 2022. 

Kaya ito ang limang effective ways para lumago ang iyong ipon at hopefully, maging habit mo na ito hanggang sa mga susunod na taon.

 

1. Be Mindful of Small Transactions

Sa panahon ngayon, lipana ang vouchers sa mga online store para maengganyo kang bumili at gumastos. Sino nga ba

Opening for business: How to set up your first online store - CNET

 naman ang tatanggi kung 10-30% off ang isang item at free shipping pa? Ngunit ang convenience na ito ang pipigil sayo para makapag-ipon.

Ang pinakamabisang paraan ay burahin na lang ang shopping apps at ibalik na lang ito kung may urgent na bagay kang kailangan bilhin.

 

2. Buy Pre-loved/second hand products

Letting Pre-loved Items Go - #ICYMI!

Sa panahon ngayon na madalas ay nasa bahay lang tayo, ano nga naman ang sense ng pagbili ng mga branded na damit at sapatos, tama? Kung mahilig ka naman mag ehersisyo, mag-invest ka din sa second-hand na exercise equipment upang mas makatipid.

Higit sa lahat, napakalaki ng matitipid mo kung bibili ka ng mga second hand gadgets gaya ng phone, aircon, at TV. Malamang ay higit limang libo ang maitatabi mo kung makakahanap ka naman ng maayos na seller online.

 

3. Magluto ng Sarili Mong Pagkain

Cooking For One | Life Gets Better | Del Monte

Don’t get me wrong, hindi ka dapat ma-guilty pagdating sa pagbili ng pagkain. Ngunit kung halos araw-araw ay lagi kang nag didine-in o tatake-out sa mga kainan, magcocompound ito at malamang ay nasa PhP40-50,000 sana ang naitatabi mo yearly.

Kaya ugaliing mamalengke at mag-aral ng ilang easy to cook na putahe kung hindi mo hilig magluto. O di kaya ay gamitin itong oportunidad para makapag diet kung prutas at gulay na lamang ang kakainin mo daily.

 

4. Maghanap ng mga Ipon Challenge na Doable Para Sayo

Napakarami na ng mga ipon challenge na maaari mong subukan. Isa na dito ang 52-Week Money challenge kung saan gradual ang pagtaas ng halaga na sinasave mo weekly.

Nandyan din ang 50 pesos ipon challenge kung saan magtatabi ka ng 50 pesos daily or weekly. By the end of the year, maaari kang makatipid ng PhP 2,600 kung gagawin ito weekly or PhP 18,250 kung daily.

Leave a Reply

Your email address will not be published.