3 Worst Financial Decisions Na Dapat Mong Iwasan

Lahat tayo ay nagkaroon na ng malaking pagkakamali pagdating sa ating mga financial decisions. Ngunit dahil dito, may mga valuable lessons naman tayong natututunan para hindi na ito maulit muli.

Pero minsan talaga, hindi maiiwasang maulit ito dahil sa kakulangan ng kaalaman at disiplina bago maglabas ng pera. Kaya naman, ito ang ilan sa worst financial decisions na ngayon ay pwede mo ng maiwasan.

1. Pag Invest sa Mga Scam na Kumpanya Na Nagpapanggap na Investment Companies

Noong 2015, naglipana ang mga pyramiding institutions tulad ng One Lightning at Emgoldex na nagpapanggap bilang MLM companies at lahat ng ito ay napasara na ng SEC. Sa katunayan, hindi ito ang unang beses na nabiktima ang libo libong Pilipino ng mga pyramiding companies na ito.

Celso de los Angeles masterminded the Legacy

Nandyan ang Legacy Group of Companies na naipasara noong 2008, ang Aman Futures Group noong 2012, at PIPC noong 2007. Tandaan, kinakailangan ng mga ganitong kumpanya ng lisensya upang mag solicit ng investments sa mga members nito, at kapag inalok ka ng mga ito ng eksaktong percentage na kikitain ng pera mo (30% in 3 months), tumakbo ka na.

Katulad nga ng sinabi ni Vice President Leni Robredo sa kanyang interview kasama si Jessica Soho, isang bagay na kelangang isapuso ng mga Pilipino ay dapat matuto tayo sa mga nakaraang pagkakamali natin. Kung kakalimutan lang natin ng paulit ulit ang mga trahedyang ito, ay hindi aasenso ang sambayanan at maaaring pamilya mo na ang susunod na biktima ng mga ito.

2. Not protecting Yourself

Minsan ay kahit na gaano pa tayo kasinop mag-ipon, hindi maiiwasan na tamaan tayo ng sakit. Siguraduhing may health card upang makatulong sa pagbaba ng gastos. Kung ikaw ay isang freelancer, mas importante na meron ka nito.

At sa ating pagtanda, maaaring tamaan na tayo ng malalang sakit at ito ang uubos sa ating savings. Kaya mabutihing mag invest sa isang life insurance policy upang magkaroon ka ng safety net at hindi mo agad magalaw ang iyong retirement fund. 

3. Allowing Debt to Pile Up

Average British person only starts to worry about debt when it hits £6,000, survey claims | The Independent | The IndependentKung ikaw ay madalas gumamit ng credit card, magiging at risk din ang iyong savings. Maraming unforeseen expenses ang darating sa buhay mo at kung magkataon na magkasabay sabay ang due date ng mga ito, mapipilitan kang bayaran ito ng paunti unti, na mauuwi sa interes.

Kesa kainin ang savings mo ng interest, mabutihing magbukas na lamang ng savings account. Mapapadalawang isip ka talagang gamitin ito dahil right on the spot mababawasan ang pera mo.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.