22-Year-Old, Nakakapag-Uwi Ng 200k A Month Salamat Sa Kanyang Sandwich Business

Kung ang iba ay takot na magbukas ng sariling negosyo ngayong may pandemya, ipinakita ng 22-year-old entrepreneur na si Jade Cuaresma na maaari pa ring maging successful sa negosyo kahit na ganito ang sitwasyon.

Si Jade na laking General Santos city ay kumikita na ngayon ng humigit kumulang 200,000 a month sa kanyang tindang sandwiches. Sa katunayan ay naging mabilis ang paglago ng kanyang negosyo kaya ngayon ay meron na siyang dalawang food truck.

Nag-invest si Jade sa isang lumang food truck na hindi na ginagamit at namuhunan ng PhP30,000 para sa pagkain.

Dahil sa angking galing, nai-feature siya sa isang episode ng “Pera Paraan” ng GMA Public Affairs noong Dec. 13, 2021.

Kuwento niya, “Matagal na po talaga na gusto ko magkaroon ng food truck.

“Pag-start ng pandemic, nagkaroon ako ng chance na mag-start ng food-truck business ko.

“Kasi may truck kami na di ginagamit, nasa bahay.

“Inayos namin kasi nga meron kaming talyer din na nagbi-build ng mga sasakyan.”

Pinangalanan ni Jade ang kanyang negosyo na Driveway Café. Ang pinakamabenta sa kanyang menu ay ang kanyang 16 inch sandwiches.

Nagtapos ng culinary si Jade sa Davao City at noong 2020 ay papunta na dapat siya sa Colorado, U.S.A. para sa kanyang internship.

Lahad niya, “Kaso pag-start ng pandemic, wala munang flight.

“Parang blessing in disguise din for me kasi kung wala ding pandemic, wala ding akong food truck ngayon.”

Sa mga nagtataka kung saan kinuha ni Jade ang puhunan, nagmula ito sa kanyang ipon noong siya ay nag-aaral pa lamang at naitabing kita sa kanyang mini business bago ang Driveway Cafe.

“Ginawa ko dati, nag-aaral ako, ang half ng baon ko, iniipon ko din.

“And also yung pera ng last business ko, naipon ko din.”

Gamit ang kanyang ipon na PhP100,000, napaganda niya ang food truck at mas naging appealing sa mga consumers at kasama na din dito ang puhunan sa pagbili ng mga ingredients sa kanyang sandwiches.

Pagpasok lang ng 2022 ay nabawi na ni Jade ang lahat ng kanyang pinuhunan.

“Pangalawang food truck ko na. Nakaka-happy kasi ang weekly po na sales umaakyat po siya ng PHP30,000 to PHP50,000 a week.”

At para sa mga gustong sumunod sa yapak ni Jade, simple lang ang kanyang advice:

“Push niyo talaga iyan. Kasi, ako nga, e, idea lang ito. ‘Tapos tinry ko, so ayun, naging successful naman siya,” sabi ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.